Glaiza's POV"Kamusta ang lakad mo, Ate?" Yna asked me.
Kauuwi ko lang galing sa foundation na tinutulungan ko. Foundation na puro bata ang nandoon.
Umupo ako sa tabi nya. "Okay lang. Nasaan nga pala si Emmanuelle?"
I'm reffering to my 2 years old daughter.
"Nasa room ni Nanay. Tulog. Napagod ata kakalaro with Kuya Ken kanina."
"Nandito si Ken?" Gulat kong tanong. Ken is my friend. Malapit sya sa anak ko.
"Alam mo naman yun si Kuya Ken." Yna teased me.
"Hay naku. Pupuntahan ko na nga lang si Emman."
"Hahaha. Pikon." Pahabol ni Yna.
Pumasok ako sa room ni Nanay. Nakita ko ang anak kong mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya at pinagmasdan ang mala-anghel nyang mukha.
3 years na rin ang nakalipas. Ang dami ng nangyari. Isa si Emman sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko for the past 3 years.
Habang pinagbubuntis ko sya. Napagdesisyunan kong tumulong sa isang foundation. Nandito na din sila Nanay at Yna sa manila para samahan ako. Dito na din tinuloy ng kapatid ko ang pag-aaral nya.
Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga tinutulungan kong bata sa kalye para mawala yung guilt ko dahil sa nangyari sa first baby ko sana. Hindi sapat yung pag-ubos ko ng paninda ng mga bata sa kalye. Hindi sapat yun.
"Mama. Dito na po ikaw." Sabi ni Emman. Nagising na din sya.
Tumayo ang anak ko at yumakap sakin.
"Napagod ang baby Rere ko ah." I called her Rere. Since her name is Reign Emmanuelle. I kissed her sa cheek. Ang chubby cheeks ng baby ko. Nakakagigil. Kaya kahit anong pagod ko sa trabaho nawawala because of her.
"Laro kami Papa Ken po eh. Hihi." She giggled.
"Aww. Really? You really like Papa Ken ha?"
"Hihi. Pogi Papa Ken po eh."
Aww this little creature makes me happy always. I hugged her so tight.
//
"Ano Glaiza, sasama ka ba?" Tanong sakin ni Rocco. He was reffering for Ruru's arrival later.
Mamaya na ang dating nya. Lagi akong updated dahil sa mga katrabaho namin. Lalo na kay Rocco at Pancho.
"Naku kayo talaga. Huwag nyo ng pilitin yang si Glaiza. Baka may date pa yan with Kennedy mamaya." Pang-aasar naman ni Kylie sakin.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi ako pwede. Walang magbabantay kay Rere later eh."
"Aww. Kailan mo ba balak dalhin ulit dito ang little Glaiza mo?" Tanong ni Sanya sakin na syang mahilig sa bata.
Sa totoo lang, napakiusapan ko sila na huwag sabihin ang mga nangyayari sakin dito kay Ruru. At dahil kaibigan ko naman sila. Napapayag ko sila kahit labag sa kalooban nilang lahat. Alam nilang si Ruru ang tatay ng anak ko. Hindi ko naman mapagkakaila yun dahil si Ruru lang naman ang lalaki sa buhay ko noon.
"Sus. Sabihin mo kasi dyan sa boyfriend mo na magpakasal na kayo at gumawa ng little Sanya and Rocco. Haha."panunukso ni Kylie kay Sanya.
"Eh bakit hindi kayo ni Aljur ang magpakasal muna?" Balik panunukso naman ni Sanya.
Tsk. Hindi na talaga nagbago ang mga to kahit kailan. Ang lakas pa rin mag asaran. Hays.
"Nasa plans na namin yan. Don't worry. Kayo ni Glaiza ang gagawin kong bride'maids. Hehe."
"Really? Aww Kylie." They hugged.
Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila sa sweet moments nilang dalawa. Haha.
//
General's POV
"Sigurado ka bang alas dos ang dating ni Ruru." Tanong ni Rocco kay Pancho. Palingon-lingon pa sya sa mga taong lumalabas sa airport.
Tumingin si Panco sa suot nyang wrist watch. "Oo. Yun ang message nya sakin eh. Oh. Ayan na pala eh."
Sasalubong na sana sila kay Ruru pero napahinto pa sila dahil nakita nilang kasama nito si Gabbi. Napadako ang tingin nila sa tyan ng dalaga. Buntis ito.
"Hoy kayo! Hindi nyo ba ako tutulungan dito?"
Bumalik sila sa reality ng magsalita si Ruru. Hindi nila namalayan na nasa harap na pala nila ito.
"Kamusta kayo? Laki ng pinagbago ah. Mukhang mga inlove talaga." Masayang sambit ni Ruru.
"Langya ka tol!"
Agad nilang inakbayan si Ruru at ginulo ang buhok.
"Namis ka namin loko. Kamusta ka na?" Nakangiting tanong ni Rocco.
"Okay ako. Poging pogi pa din diba."
"Mahangin ka pa din."
"By the way, Rocs. Si Gabbi, kilala nyo na naman sya diba? Gab. ."
"Yeah. Kilala ko sila, Ru. Hi." Bati ni Gabbi sa dalawa.
"Hi Gab. . ." Naiilang naman sila Pancho at Rocco sa dalaga dahil hindi din naman sila masyadong nakakapag usap noon.
"Tara na. Hatid na namin kayo. Para naman makapagpahinga na kayo."
"Asus. Excited lang kayo sa pasalubong eh. Hahaha."
"Hahaha. Kasama na yun dun." Natatawang sabi naman ni Rocco.
Tinulungan nilang dalawa si Ruru na ilagay sa likod ng kotse ang mga dalang gamit ng dalawa. Hinatid nila ito sa condo unit ng dalaga dahil doon muna si Ruru mag-stay ng isang araw lang naman.
//
"Seryoso? Magpapakasal kayong dalawa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rocco kay Ruru. Nasa sala sila ngayon ng condo ni Gabbi. While the latters is in her room and natutulog na.
Inaayos ni Ruru ang mga gamit nya na dadalhin sa condo. Magkahalo kasi ang gamit nilang dalawa ni Gabbi.
"Kita nyo naman diba? Magkakababy na kaming dalawa. Ayaw ko namang lumaki yung bata na hindi kami buong pamilya. Mahirap yun."
"Oo nga, Ru. Nandun na kami. Pero paano si Glaiza?"
Napatigil si Ruru. "Drop the name, Pancho. Baka marinig ka ni Gab. Makakasama sakanya ang ma-stress."
"Hays. Naguguluhan ako. Parang nung last week lang magkausap tayo. Sabi mo liligawan mo si G?"
"Iba yung last week sa ngayon." Maikling sagot ni Ruru.
Nanahimik nalang din sila Rocco at Pancho. Mataman nilang pinagmamasdan ang busy pa din na si Ruru sa pag-aayos ng gamit nya.