General's POV
"Kanina ko pa napapansin yang si Ruru."bulong ni Kylie kay Glaiza. "Kanina may kausap sya sa phone then after the call ayan na sya. Nakayuko nalang. Ano kayang problema ng isang yan?"
Bahagyang napatingin si Glaiza sa gawi ni Ruru. Nakita nya nga itong may kausap sa phone kanina at mukhang problemado na naman. Pero dahil may mga naikwento na si Ruru sakanya alam na nya ang dahilan bakit ito nagkakaganito na naman. Binalik na ni Glaiza ang atensyon sa ginagawa.
"Guys, lunch na tayo." Aya ni Sanya.
"Tara." Pag-sang ayon naman ni Kylie.
Umalis ang tatlo at nagpunta sa malapit na fastfood. Hindi na din sila nagtagal doon dahil sa dami ng trabaho nila na kailangang tapusin.
Napaangat ng tingin si Ruru ng maramdaman nyang nay nagbaba ng kung ano sa mesa nya.
"Kumain ka na." Sambit ni Glaiza. Ngumiti si Ruru. "Ayun ba ulit?" Tangin tango lang ang naisagot ni Ruru. "Kaya mo yan."
Iniwan na ni Glaiza si Ruru. Pinagmasdan naman sya ng huli hanggang sa makaupo na ito. Ngumiti sya.
Tama ang desisyon ko. Tama na hindi ako aalis. Hindi kita iiwanan.
Kinuha ni Ruru ang pagkain na dala ni Glaiza para sakanya. Nakangiti nyang kinain yun.
//
"Klea, sige na. Pagbigyan mo na ako. Yung files lang naman ni Glaiza ang titignan ko eh." Pangungulit ni Ruru sa secretary ni Ms.Chua.
"Eh Ru, hindi nga pwede. Confidential yun. Mapapagalitan ako ni boss." Tanggi naman ng dalaga.
"Sige na. Ilalakad kita kay Phytos."
Tila nanlaki naman ang mata ni Klea dahil sa sinabi ni Ruru. "Sira ka talaga. Hindi ko naman gusto si Phytos."
"Eh sino ba?" Tanong ni Ruru. Umiling lang si Klea dahil sa kakulitan ni Ruru. "Dali na. Hindi na kita kukulitin pag binigay mo sakin. Tsaka tayo lang naman makakaalam nito eh."
"Bakit ba kasi gusto mong tignan yung files nya?"
"Wala lang. Nakakapagtaka lang kasi. Hindi nyo ba naisip na tignan ang files nya? Ang misteryoso kasi ni Glaiza eh."
"At umasa ka talaga sa files nya ha?" Natatawang sambit ni Klea.
"Eh hindi naman kasi sya palakwento sa buhay nya. Kaya sige na please. Bigay mo na. Saglit lang talaga."
Kinuha ni Klea ang files ni Glaiza na nakatago sa ilalim ng desk nya. "Oh yan. Saglit lang ha. Tsaka wag mo ng ilabas. Dito ka nalang. Malilintikan tayo nyan."
Parang batang tuwang-tuwa naman si Ruru na kinuha ang papel. "Thank you! I owe you this. If you need anything, Klea don't bother to call me. Anything. Huwag nga lang ako. Taken na yung heart ko eh." Abot ngiting tenga na sambit ni Ruru.
"Sira."
Binuksan ni Ruru ang folder na hawak nya. "Taga bagiou sya." Tumango si Klea habang busy sa ginagawa nito. "Wait. Birthday nya na next week?"
"Yeah." Mahinang sambit ni Klea.
Napatingin si Ruru kay Klea. "Alam mo?"
"Ru, ako ang may hawak ng files ng department nyo. So anytime pwede kong tignan yan." Sagot ni Klea.
"Eh bakit hindi mo sinasabi kila Kylie?"
"I want to. Pero si Glaiza na rin ang humingi ng favor sakin na huwag kong sasabihin kahit kanino."