Ruru's POV
Ilang araw ko ng hindi nakikita si Glaiza o kahit si Rere. Pinupuntahan ko sila sa condo unit nila pero wala na sila doon. Ang sabi sakin ng ilang staff doon, umalis sila Glaiza ilang araw na ang nakalipas. Isa lang naman ang alam kong pwede nilang puntahan. Ang bahay nila sa bagiuo.
"Ru, ano bang motif ang gusto mo sa wedding natin?"
Natigil ako sa pag-iisip about Glaiza ng marinig kong magsalita si Gabbi.
Nasa resto kami ngayon kasama yung organizer ng wedding namin. Pinagbigyan ko na ang hiling nya na samahan ko sya ngayon kahit na may lakad kami ni Rocco. Ayaw kong maging rude sakanya. Kailangan ko ding mag-ingat ngayon after nyang isugod sa hospital nung minsnag sumakit ang tyan nya. Hindi talaga maganda ang kondisyon ng pagbubuntis ni Gab.
"Ikaw ng bahala." Simpleng sagot ko.
"But it's our wedding, Ru." Paglalambing naman nya sakin. Niyakap nya yung isang braso ko.
"Wala akong idea sa mga ganyan, Gab. Ikaw ng bahala." Inalis ko sa pagkakayakap ang braso nya sakin. Nakita ko naman sa mukha nya yung lungkot. Bumuntong hininga ako. "Excuse me, I need to take this call lang." Paalam ko sakanila.
Tumayo ako at lumabas ng Resto. Tumatawag kasi si Rocco.
After namin mag-usap pumasok ako agad at bumalik sa upuan ko. Tumingin sakin si Gabbi. Nginitian ko lang sya ng bahagya. Yung atensyon ko nasa phone ko lang. Patago kong pinapanuod yung video ni Rere nung 1st birthday nya kung saan karga-karga sya ni Glaiza. Umiiyak sya dahil pilit nila Glaiza na nilalapit si Rere sa isang clown. Napangiti ako ng humarap silang dalawa sa camera. Hawak ni Glaiza ang kanang kamay ni Rere at kumakaway sila sa camera na hawak naman ni Yna. Si Yna ang nagpasa sakin ng video ng mag-ina ko.
"Why are you smiling at, Ru?"
"Ha? W-wala. Hindi pa ba kayo tapos?"
"Patapos na, Sir. Yung venue nalang ng reception ang pag-uusapan natin." Sabi nung organizer. Tumango lang ako sakanya.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Masyado akong nadala sa pinapanuod ko. Gusto ko sa 3rd birthday ni Rere kasama na ako. Ayaw ko ng mamiss ang chance na makasama ang anak ko sa mahalagang araw nya. Hindi ko na palalampasin yun. Alam ko na next week na ang birthday ni Rere. At ayon sa sinabi ni Rocco sakin, tuwing birthday ni Rere nasa bagiuo sila ni Glaiza para i-celebrate yun. Pupuntahan ko ang anak ko. Gusto ko syang makasama. Sila ni Glaiza.
//
"Aalis ka?" Tanong sakin ni Gabbi.
Kababalik lang namin sa condo nya. Actually, hindi ko na gustong tumira dito sa unit nya. Pero kailangan pa rin dahil sa kondisyon nya. Madalas kasing sumasakit ang tyan nya at kailangan nya ng makakasama. Next month pa ang dating ng Mommy nya para samahan sya dito. Kaya ako muna ang nagbabantay sakanya.
"Ah magkikita kami nila Rocco. Birthday kasi ni Sanya ngayon." Sagot ko sakanya habang inaayos yung gamit ko.
"Can I come with you?" Tumingin ako sakanya. "Sorry. Pero kasi, Ru. Naisip ko kasi na since ikakasal na tayo. Gusto ko sanang makilala ang mga kaibigan mo. Sila Rocco palang ang nakikilala at nakakasama ko eh." She bite her lower lip at yumuko. I feel bad for her. Bakit ba kasi ang unfair eh. Hays. Mabait si Gabbi. Alam kong ako din ang nagpilit ng wedding na ito dahil sa magkakaanak na kami. Pero bakit parang ako pa ngayon ang gustong umatras?
"Please." Dugtong nya pa.
"Okay. Pero hindi na tayo magpapagabi ha. Bawal sayo ang magpuyat."
Ngumiti sya. "Yeah. Thanks for allowing me, Ru."
I just smiled at her. "Tara na."
//
"Happy Birthday." Bati ko kay Sanya at bumeso.
"Thanks, Ru. Buti nalang nakapunta ka."
"Oo naman. Ikaw pa ba? Yari lang ako kay Rocco pag hindi ako nakapunta. Hahaha."
"Happy Birthday. Sanya, right?" Bati din ni Gabbi. "For you." Iniabot nya yung binili naming regalo para sa birthday girl.
"Yeah. Gabbi, diba? Thank you. Mabuti at sumama ka na. Gustong-gusto na namin ni Kylie na makilala ang magiging asawa nitong si Ruru eh."
"Ah pinilit ko lang si Ruru."
"Bakit ayaw ka ba nyang isama? Ang bad mo, Ru ha." Biro ni Sanya sakin.
"Ay no naman. H-hindi ganun. Ano kasi. . . Hindi maganda ang kondisyon ng pagbubuntis ko kaya hindi ako masyadong lumalabas ng bahay. Pinilit ko na sya this time kasi gusto ko din kayong makilala."
"Awww. Gab, welcome ka sa grupo namin. Kaming bahala sayo."
Inaya na ni Sanya si Gabbi sa loob. Nandatnan namin doon sila Phytos, Mikee, Kylie at AJ. Si Rocco naman papunta palang daw sabi ni Sanya. Sya tong boyfriend ni Sanya sya tong nahuhuli saming magkakaibigan.
Umupo si Gabbi sa tabi ni Kylie. Ako naman sa tabi ni Gab.
"You want anything?" Pabulong na tanong ko sakanya.
"Juice lang muna. Hindi ka pa naman kakain diba?"
"Okay. Kukuha lang ako ng inumin mo."
Tumayo ako at kumuha ng maiinom ni Gab. Marami-rami ding bisita si Sanya kaya hindi nya kami masyadong maasikaso. Pinupuntahan nya lang kami kapag nakakaalis sya sa mga pinsan nyang galing sa ibang bansa.
Dumating na din si Rocco. Sya na ang nag-asikaso samin. Nagprisinta na sya since medyo busy pa si Sanya sa mga bisita nya.
7:30 pm na ng bumalik samin si Sanya at nakipagkwentuhan na samin. Everytime na tinitignan ko si Gabbi habang kausap si Sanya. Nakikita ko yung ngiti nya noon. Yeah. Nag-iba ang ngiti ni Gabbi simula ng nagdesisyon kaming magpakasal. At hindi ko alam kung bakit. Pero masaya akong nakikita syang masaya ngayon. Mas makakabuti din sakanya ang ganito.
"So Gab, meron ka na bang ipapangalan sa anak mo?" Tanong ni Sanya sakanya.
"Pero teka alam nyo na ba ang gender ng baby nyo?" Tanong naman ni Mikee. "Sana boy para gwapo katulad ni Ruru." Dugtong pa nya.
"Wala pa nga pero mukhang pinagpapantasyahan mo na agad ang anak nila." Sabat naman ni Phytos.
Inirapan sya ni Mikee. "Ang malisyoso mo." Tapos inismidan nya pa si Phytos. Nakakatawa talaga ang aso't-pusang tandem nilang dalawa.
"Just saying."
"Well, if ever man na boy ang baby namin. Gusto kong name nya Sebastian Jose." Sagot naman ni Gabbi sa tanong ni Sanya a while ago.
"Okay. Nice name. Lakas makalalaki talaga." Sabi ni Sanya.
They all agreed sa sinabing name ni Gabbi.
Napapansin ko naman na hindi masyadong kinakausap ni Kylie si Gabbi. Alam ko naman kung bakit. Malapit si Kylie kay Glaiza. At gusto pa din ni Kylie na kaming dalawa ang magkatuluyan. Pero parehas naman naming alam na hindi na pwede. Ikakasal na ako at magkakaanak kay Gabbi. Hindi ko sila pwedeng pabayaan dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/133073936-288-k42365.jpg)