"Wait."
Huminto sila Kennedy at Rere ng marinig nila si Ruru.
"Anong kailangan mo?" Tanong ni Kennedy sakanya.
Pero himbis na sagutin ang binata. Tumingin sya sa bata na nagtatago sa likod ni Kennedy.
Lumuhod sya para mapantayan si Rere. Napatakip pa sya ng bibig dahil pinipigilan nya ang pag-iyak.
"Papa Ken, who is he?" Tanong ni Rere pero kay Ruru sya nakatingin. Nagtataka ang bata kung bakit naiiyak ang lalaking kaharap nya.
Naramdaman ni Kennedy ang paghawak ni Rere sa kamay nya.
"P-pwede ba kitang mayakap?" Naluluhang sambit ni Ruru.
Hindi agad lumapit ang bata dahil hindi nya kilala si Ruru. Sa sinabi palang ni Ruru alam na agad ni Kennedy ang nangyayari.
Ito ang unang beses na magkikita silang dalawa. Wala syang idea sa itsura ng tatay ni Rere. Dahil kahit si Glaiza hindi naman nagkikwento tungkol doon. Ang tanging alam lang nya ay nasa ibang bansa ang tatay ng bata.
Ilalayo na sana ni Kennedy ang bata kay Ruru pero nakita nya si Glaiza na nakatayo sa likod ng binata. Sumenyas ito na hayaan lang si Ruru na lumapit kay Rere.
"I-ikaw ba ang anak ni Glaiza?" Ruru asked.
Tumango ang bata. "S-sino ka po?"
"K-kaibigan ako ng Mama mo. Pwede ba kitang yakapin?"
"Ang sabi po Mama. Huwag makipag usap sa stranger eh."
Napangiti si Ruru sa sinabi ng bata.
"Yeah. Yeah. Tama ang mama mo. Pero hindi ako stranger. I'm your Tito Ruru."
"Ruru?" Ulit ng bata at ngumiti ito. "I'm Rere." Hihi. The kid giggled. Lumapit sya kay Ruru at yinakap ito.
Tanging iyak lang ang nagawa ni Glaiza habang pinapanuod nya ang mag-ama nya.
"Mama." Sambit ni Rere ng makita nya si Glaiza.
Napalingon si Ruru sa likod. There he saw Glaiza crying.
Tumakbo si Rere sa mama nya at yumakap dito.
"Mama, that man, he said he's your friend." Sambit ni Rere at tinuro si Ruru.
Glaiza nodded. "Yes. He is. Go to your Papa Ken muna. Mag-uusap lang kami ng friend ko ha."
"Pero Mama. Sabi Papa Ken, we're going to mall. I'm hungry na po eh." Maktol ng bata. "Please Mama." Rere pout.
Ngumiti si Glaiza. "Okay. Pupunta tayong Mall. Wait for Mama outside ha. I'll just talk to him okay?"
Tumango si Rere at tumakbo na kay Kennedy.
"Bye Tito Ruru." Paalam nito.
Paglabas nila Kennedy sa building. Sya namang pagharap ni Ruru kay Glaiza.
"Now tell me. Who's the father of your child?" Diretsong tanong nito kay Glaiza.
"Sa ibang araw na tayo mag-usap. Hinihintay ako ng anak ko."
"No. Just tell me. . . Sino?"
"Ru. ."
"G please. Tell me. Ako ba ang tatay nya?" Hindi sumagot si Glaiza. Tumingin lang sya kay Ruru na parang bang nakikiusap. "Please, tell me. Yung nangyari satin 3 years ago. Bago mo ako iwanan. Please, I'm begging you." Pagmamakaawa ni Ruru sa dalaga. Hinawakan nya pa si Glaiza sa magkabilang kamay nito. "Please tell me."
"Yes. Ikaw nga. Ikaw ang tatay ng anak ko. Pero Ru, wala na rin namang saysay kung malalaman mo pa diba? Ikakasal ka na. Magkakaroon ka na rin ng anak. Hwag mo nalang kaming guluhin ng anak ko. . ."