Chapter 22

253 10 1
                                    



Maagang umalis si Gabbi para imeet ang mag-aayos ng wedding nila ni Ruru. Gustuhin man nyang magpasama sa binata ay hindi na nya ito inistorbo pa. Nakita nya kasing himbing na himbing sa pagtulog si Ruru. Ilang gabi din kasi itong lumalabas kasama sila Rocco at Pancho.

Sa isang restaurant naghintay si Gabbi sa kameeting nya. Habang naghihintay naisipan nyang umorder muna ng maiinom.

Habang busy sya sa pagtitingin ng pinasang emails ng kameeting nya napansin nya ang pagpasok ng isang customer doon.

"Glaiza. . ." Mahinang sambit ni Gabbi sa pangalan ng pumasok.

Agad syang napatayo ng makita nyang papalapit ito sa pwesto nya.

"Gab. . ." Sambit din ni Glaiza sa pangalan ni Gabbi ng makita nya itong nakaabang sakanya.

Hindi naman inaasahan ng dalawa na magkikita sila ngayon araw. Kaya halata sa mga mukha nila ang pagkagulat.

Unang nagbasag ng katahimikan si Gabbi. "Can we talk for a while? May kasama ka ba?" Pag-iimbita nito kay Glaiza na saluhan sya kahit saglit lang.

Ngumiti si Glaiza. "Wala naman. Pumunta lang ako dito para bumili ng pasalubong sa anak ko."

"Oh I see. Please have a seat." Magalang na paanyaya ni Gabbi.

Hindi naman nagdalawang isip si Glaiza na pagbigyan ang imbitasyon ng dalaga. Tinawag ni Gabbi ang waiter para maka-order na si Glaiza ng maiinom nito at ang ipapasalubong para sa anak.

"Glaiza." Panimula ni Gabbi. Nakatingin lang sya sa inumin nya habang hinahalo nya ito.

"Ano bang gusto mong sabihin, Gab? Pagdating nung inorder ko. Aalis na rin ako. Hini-"

"Si Ruru ba ang father ng anak mo?" Diretsang tanong ni Gabbi. Hindi nya pa din magawang tumingin kay Glaiza ng diretso. Nakagat nya ang ibabang labi nya dahil sa nararamdamang kaba.

"Gab. . ."

"Please. I need to know the truth. A-ayaw kong tanungin si Ruru. Natatakot ako sa pwede kong malaman sakanya. N-nandito ka na din naman kaya. . . Please tell me." Hinawakan ni Gabbi ang isang kamay ni Glaiza na nakapatong sa mesa. Hinarap nya ito. Kitang-kita ang naluluhang mata ni Gabbi. "Please." She uttered once again with a crack voice.

Nakaramdam ng kirot si Glaiza. Naging mabuting kaibigan si Gabbi sakanya kahit papaano. At alam nya sa sarili nyang wala syang tinatagong kahit na anong galit sa dalaga.

Huminga ng malalim si Glaiza. "Yes." Simpleng sagot nito sabay nag-iwas ng tingin. "I'm sorry. Hindi nyo na dapat nalaman ang tungkol sa anak ko. Hwag kang mag-alala, h-hindi naman ko manggugulo sa inyo ni Ruru. Hindi ko sya pipiliting maging ama kay Rere. H-hindi. . ."

Nahinto si Glaiza sa pagsasalita ng tumayo si Gabbi. Kinuha nya ang bag nya at humakbang hanggang makatapat sa gilid ni Glaiza.

"Wala akong balak bitawan si Ruru para buuin kayong pamilya. Magkakaanak na din kami. Kailangan ko sya." Halos pabulong nalang na sabi ni Gabbi bago nya tuluyang lagpasan si Glaiza at lumabas na ng resto.

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Glaiza. Agad nyang pinunasan iyon ng makita nya ang waiter na dala na ang inorder nya.

Agad na inabot ni Glaiza ang bayad sa staff. Hindi na sya nag-abala pang hintayin ang sukli nya.

Saktong paglabas nya. Nakita nya si Ruru na pinagbuksan ng pinto si Gabbi. Kapwa silang nagkatinginan sa isa't-isa.

"Glaiza." Sambit ni Ruru.

Lalapit na sana sya kay Glaiza ang pigilan sya ni Gabbi. "Let's go. Gusto ko ng magpahinga." Sabi nito at pumasok na sa loob ng kotse ni Ruru.

Wala ng nagawa si Ruru kundi ang lagpasan nalang ng tingin si Glaiza. Kailangan nyang unahin si Gabbi sa pagkakataong iyon dahil maselan ang pagbubuntis nito.






//






"Bakit nandoon si Glaiza? Bakit hindi mo sinasabi sakin? Gabbi, I'm talking to you."

Huminto sa paglalakad si Gabbi. Hinarap nya si Ruru ng may luha sa mata.

"Para ano. Pumunta ka agad to see her? Ganun ba, Ru? Tingin mo ba hahayaan ko kayong magkitang dalawa? No. Hindi ako tanga. Alam ko. Ramdam kong sya pa rin yang mahal mo. Lalo na ngayon at nalaman mong may anak din kayong dalawa. Pero, Ru. Hindi ako kasing bait ng iniisip mo. Hindi ko kayang magparaya para sa iba. I need you. I love you. At alam ko, alam kong matututunan mo din akong mahalin pagkinasal na tayong dalawa."

Hindi na nagawang magsalita pa ni Ruru sa sunod-sunod na sinabi ni Gabbi. Hinayaan nya nalang ito na pumasok sa loob ng kwarto nya.

Lumabas si Ruru sa condo unit ni Gabbi. Pagdating nya sa kotse nya agad nya itong pinaandar para puntahan si Glaiza sa condo unit nito.

Naabutan nya ang dalaga na papasok na.

"Glaiza. . ."

Napaatras si Glaiza sa kinakatayuan nya. Nabitawan din nya ang hawak nyang susi.

"Anong ginagawa mo dito? D-dapat kasama mo sya . . ."

Hindi na nagawang ituloy ni Glaiza ang sasabihin nya ng bigla nalang syang sunggaban ng yakap ni Ruru. Tila nanlambot din sya sa ginawa ng binata. Ang tagal din nyang hinanap ang mga yakap nito. Pero hindi sya nagpatalo.

Tinulak nya si Ruru palayo sakanya. "Umalis ka na. Please. Umalis ka na, Ru."

"Pero, G. . ."

"Ayaw ko ng gulo. Ayaw kong makasira ng pamilya ng iba. Ikakasal ka na. So please stop this nonsense of yours!" Halos galit na sambit ni Glaiza.

"Pero ikaw ang pamilya ko. Kayo ni Rere. Kayo ang gusto kong pamilya. Ikaw ang mahal ko. Kayo ng anak natin. . ."

"Ayaw kong makasakit ng iba."

"Hanggang ngayon ba naman, Glaiza? Hindi mo pa rin ako kayang ipaglaban?"

Tuluyan ng tumulo ang luha ni Glaiza. "Can't you see? Ikaw nalang tong nagpupumilit eh. Ikakasal ka na. Nagkalayo tayo. Magkakaanak na kayo ni Gabbi. Masaya na kami ni Rere. So please, umalis ka na. Hwag mo ng ipilit dahil hindi talaga tayo para sa isa't-isa."

Pumasok sa loob ng condo unit si Glaiza. Naiwan namang luhaan si Ruru sa labas at pilit na iniintindi ang mga sinabi ni Glaiza.

Pumasok nalang din sya sa condo unit nya ng hindi na sya talaga nilabas pa ulit ni Glaiza para harapin sya.


The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now