Aligagang-aligaga si Glaiza. Lakad dun, lakad dito ang ginagawa nya. Hindi sya mapakali. Naunang umuwi si Ruru pero pagdating nya sa bahay nito. Umalis na ang binata. At kahit sa magulang ni Glaiza ay hindi na sya nakapagpaalam pa. Nakita nalang nya ang gitara nya sa labas ng bahay nila. Alam nyang nasaktan nya si Ruru. Pero mas gugustuhin nalang nya na lumayo sakanya ang binata kesa umasa ito na pwedeng maging sila.
Nang mapagod na si Glaiza sa kakalakad. Umupo sya sa kama nya at binuksan ang bedside table nya. Nilabas nya doon ang isang kahon. Binuksan nya ang kahon. Kinuha nya ang laman na singsing at litrato nila ni Marx habang nasa gig sila.
"Love.." sambit ni Glaiza. Halos hindi na nya magawang magsalita dahil sa pag-iyak nito. Napaupo na din sya sa sahig habang hawak ang singsing at litrato. "I'm so sorry. Sorry..." pinikit ni Glaiza ang mata. Bumalik na naman ang ala-ala nang araw na mawala ito...
Flashback-
"Okay na ba tong suot ko, Yns?" Excited na tanong ni Glaiza sa kapatid nito na busy sa pagbabasa ng libro.
"Ate, kahit naman anong isuot mo sigurado ako mamahalin ka pa rin nun ni Kuya Marx eh." Sagot naman ni Yna.
"Eh iba kasi ngayon. Sobrang espesyal ng birthday ko na to..."
"So kailangan bongga din ang suot?" Mapang-asar na tanong ni Yna.
Bagsak naman ang balikat ni Glaiza na umupo sa tabi ng kapatid. "Hindi ba bagay sakin magdress?"
Kumunot ang noo ni Yna. "Ano ka ba ate. Kahit anong isuot mo bumabagay sayo. Ang ganda mo kaya. Kung ako sayo.. gumora ka na. Kanina ka pa tingin ng tingin dyan sa salamin eh."
"Kinakabahan ako eh. Wait kukuha muna ako ng tubig." Tumayo si Glaiza at pumunta sa kusina. Kumuha sya ng baso sa cabinet. Pero sa di naman inaasahan dumulas iyon sa kamay ni Glaiza at nabasag. Tila binuhusan sya ng malamig na tubig dahil biglang lumakas ang kaba nya.
//
Hindi din mapakali si Marx na nakatayo sa Park. Hinihintay nya ang pagdating ni Glaiza. Excited na sya para sa regalo nito sa dalaga.
Habang hawak ang cellphone at naghihintay ng text. May lumapit na dalawang lalaking nakaitim kay Marx.
"Hold-up to. Ibigay mo lahat ng gamit mo samin." Bulong ng isang lalaking mas malapit sakanya. Hindi agad nakasigaw si Marx dahil may nakatutok sa tagiliran nya na sa tantya nya ay baril. "Akin na yang cellphone mo." Dahil sa takot. Agad na inabot ni Marx sa lalaki ang hawak nyang cellphone. "Yang bag mo. Ibigay mo sakin."
"H-huwag na tong bag ko." Alma ni Marx na bahagyang nilalayo ang bag sa lalaki. "E-eto nalang relo ko. Nabibili yan." Tinanggal ni Marx ang suot nyang relo at inabot din yun sa lalaki. "Please wag lang tong bag ko."
"Aba tumawad ka pa ha. Akin na yan." Hinablot ng lalaki ang bag mula kay Marx.
Pero hindi pumayag ang binata na makuha ang bag kaya nakipag-agawan sya dito. Maya-maya pa. Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong parke na sya namang ikinatakot ng mga tao.
Napukaw ang atensyon ni Glaiza habang naglalakad sa park ng nagkakagulong tao. Pero hindi nya iyon pinansin. Hindi sya mahilig makiusyoso sa mga tao. Kadarating lang nya sa park at agad nyang tinawagan si Marx. Pero hindi na ito sumasagot.