Chapter 5

236 13 0
                                    

"We're stuck here. What we gonna do now?" Iritang tanong ni Glaiza at napasapo nalang sa noo nya.

Napagod na sya sa kakapihit sa sedura ng pinto ng kwarto kung saan kinulong silang dalawa ni Ruru. Kanina nya pa pinipihit na buksan ang pinto pero hindi nya magawa. Nakalock ito sa labas na si Kylie ang may gawa.

"Glaiza, can you please calm down.." kalmadong sambit ni Ruru.

"Paano ako makakalma kung alam kong nasa isang kwarto ako kasama...."

"Wag kang mag-alala kasi wala akong gagawin sayong masama. Hindi ako ganung tao."

Natahimik si Glaiza. Hindi nya kagustuhang isipin ni Ruru ang ganung bagay.

Bigla namang naalarma si Glaiza ng mapansin nyang hihiga na sa kama si Ruru.

"Hoy, anong gagawin mo?"

"Matutulog?" Patanong na sagot ni Ruru.

"What?"

"Anong what?"

"Dyan ka matutulog? At saan mo ako balak patulugin? Dyan sa tabi mo?" Naghehesterikal na tanong ni Glaiza sabay lumapit sya kay Ruru para hilain ito paalis sa nag-iisang kama na meron sa kwarto.

"Look Glaiza. Iisa lang ang kama dito. Saan ako matutulog? Dyan sa sahig? No way."

"Mas no way! Hindi ako tatabi sayo. Kaya umalis ka dyan dahil ako ang matutulog dyan."

Pilit nyang hinihila sa damit si Ruru. Pero mas malakas sakanya ang binata kaya napagod sya sa paghila. Napaupo nalang sya sa sahig at sumandal sa kama.

Ilang minutong hindi kumikibo si Glaiza. Nagtaka na si Ruru kaya sinilip nya ito. Nakatingin lang ito sa kawalan.


"Ginagawa mo dyan?" Tanong ni Ruru

"Nakaupo. Di mo ba nakikita? Bulag ka ba?"pamimilosopo naman ni Glaiza.

"Wow. What a nice answer ha."nangingiting sagot ni Ruru. Umupo sya sa tabi ni Glaiza. "Wala ka bang tiwala talaga sakin?" Hindi sumagot si Glaiza. Nanatili lang syang nakatingin sa kawalan. "Okay. Ganto nalang. Lets play a game..."

"Laro na naman." Bulong ni Glaiza.

Napabuntong hininga naman si Ruru. "Wag kang mag-alala. Walang badside dito. Parehas tayong makikinabang. Swear."

Napatingin si Glaiza sa binata. "Ano yun?"

"Tanungan tayo. Everyshot ng wine kung sinong iinom sya ang sasagot. Kung sinong pinakamaraming nasagot ng tama sya ang matutulog sa kama. Diba nasayo na ang kama nagkakilala pa tayong dalawa. Ano game?"

"Anong klaseng tanong?"

"Anything related to us. Yun lang. Very easy."

"What if hindi magsabi ng totoo?"

Napaisip si Ruru. "Nasa konsensya nya na yun. Wait ka lang dyan. Kukunin ko lang yung wine."

Tumayo si Ruru at agad na nagpunta sa mini ref na nilagay nila Kylie doon. Kinuha nya ang wine at kumuha din sya ng isang baso. Kumuha din sya ng chips na nasa mesa. Agad syang bumalik Glaiza.

Nilapag nya lahat ng dala nya sa gitna nila ni Glaiza. Pumwesto sya sa kabila ng dalaga.

"Ano game ka na?"

"Do I have a choice?"

"Okay game. Ikaw muna ang sasagot." Nilagyan ni Ruru ang baso ng wine at inabot kay Glaiza. "Anong paniniwala mo sa buhay?"

The Past Of Glaiza De CastroWhere stories live. Discover now