Lethe
Nagising ako na nakahiga sa isang kama. At may isang babaeng nakatayo doon sa harapan ko.
"N-Nasaan ako?" tanong ko.
Unti-unting bumalik sa memorya ko ang mga nangyari.
Ang huling kaganapan, naaalala ko ang lahat! Maging ang unang pagpasok ko sa GU! Lahat naaalala ko! Siguro nagbibiro lang si Akisha doon sa sinabi nya habang patakas kami. Pero nasaan ako?? Nasaan sila??
"Mabuti naman at nagising ka na." sabi ng babae.
T-Teka! K-Kilala ko sya!
S-Sya 'yong dating principal!
"N-Nasaan ako?? N-Nasaan sila Xyrgian?? N-Nasaan ang mga magulang ko??"
"Kumain ka muna, kailangan mo ng lakas para harapin ang panibagong pagsubok na kakaharapin mo."
"H-Huh?"
"Kumain ka." saka nya ako inabutan ng pagkain.
"P-Pero nasaan ako?"
"Nasa siyudad ka pa rin ng Maynila."
"Ah, uuwi na ako." sabi ko at akmang tatayo na sana ako nang magsalita sya...
"Kumain ka muna."
"H-Hindi ako gutom." pero walang'ya, biglang tumunog 'yong tyan ko. Gutom talaga ako.
"Kumain ka, kailangan mo 'yan."
Saka ako sumubo, at nang sapat na para mapunan ang gutom ko... Bigla akong nagtanong.
"Bakit wala ako sa bahay namin?" tanong ko.
"Hindi ka nila maaalala."
Nagulat ako sa sinabi nya.
"H-Hindi totoo 'yan. B-Bakit ako naaalala ko ang lahat??"
"Dahil suot mo ang singsing na 'yan noong panahong naganap ang ika-isang siglo."
"P-Pero.. B-Bakit ikaw??"
"Wala ako dito sa Maynila no'ng maganap ang nangyari. Kaya naaalala ko ang lahat."
"P-Pero... H-Hindi pwede! P-Paano ang pamilya ko?? Hindi nila ako maaalala??"
"Hindi."
At doon ay bigla akong nanghina. H-Hindi nila ako maaalala. H-Hindi ako maaalala ng kahit sino sa kanila.
P-Paano kami ni Xyrgian??
"Si Jestin, nasa Taiwan sya. Si CJ, sa Bulacan dapat ikukulong. Pero sa tingin ko, nakalaya na sya. Nag-pyansa ang kapatid nya. Na inampon ng mayamang pamilya."
"I-Ibig sabihin, n-naaalala din nila ang GU??"
"Oo."
"P-Pero... Bakit hindi ako maaalala ng iba??"
"Ayon sa nakatagong pahina sa libro ng kasaysayan ng Hunter's University, lahat ng naging parte ng unibersidad na 'yon ay makakalimot. At wala ni isang ala-ala ang matitira sa kanila." huminto sya sandali atsaka muling tinuloy ang sasabihin "Maliban nalang kung may makapagsuot ng singsing, at kung sino-sino man ang makapagsuot ng singsing na 'yon ay hindi makakalimot."
"Sino-sino?? Ibig sabihin... Madami ang ganitong singsing??"
"Labimpito ang ganyang singsing. At tanging 'yang isa na lang ang natira, ang iba ay pinagkakitaan at ang iba ay naibaon na sa kung saan."
"P-Pero bakit ako ang napili mong magsuot nito??"
"Naawa ako sa batang nasa tyan mo, kailangan nyang mabuhay."
O_O
"Magaling akong makiramdam. May nabubuo dyan sa tyan mo, kailangan mo syang alagaan."
"I-Ibig sabihin... May mabubuo talaga??"
"Meron na, unti-unti nang nabubuo. Kailangan mong alagaan ang katawan mo, nang mabuhay ang batang nasa tyan mo."
"S-Salamat."
"Magpunta ka sa Purple Street, hanapin mo ang bahay na may numerong 6933. Matutulungan ka ng nakatira doon."
"P-Pero—
"'Wag ka nang mag-pero, Yazzi. Magpunta ka nalang. Sigurado akong kakailanganin mo sya."
"S-Salamat."
Ilang minuto muna akong nanatili doon bago magpunta sa Purple Street at hinanap ang bahay na may number na 6933.
Nang mahanap ko na 'yon ay agad kong pinindot ang door bell atsaka may lumabas na lalaki.
"Sino 'yan?" tanong nya habang papalapit sa gate. At nang mabuksan nya na 'yon ay nagulat ako nang malaman ko kung sino 'yon. "Yazzi??"
Akala ko nasa ibang bansa sya??
"Miss me?"
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino