Chapter 11
Chizza's POVI have this weird feeling since I saw her.
Feeling ko, namimiss ko sya. Na parang gusto kong makasama pa sya?
Weird, right? Bakit ko nararamdaman 'to? Sino ba si Yazzi sa buhay ko?
O baka naman...
Teka?? Bakit hindi ko naisip 'yon?!
Bakit hindi ko naisip na pwedeng naging parte sya ng nakaraan ko??
"Ang tanga mo, Chizza!" sabi ko pa sa sarili ko.
"Siguro, we're destined to be friends."
We're destined to be friends, huh?? Baka naman kaibigan talaga kita dati??
Yazzi... Yazzi, Yazzi, Yazzi. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon.
Ang mainit na pagtanggap mo palang sa'kin bilang bisita mo, kakaiba na. Hindi gano'n ang mga naeencounter kong tumatanggap ng bisita.
"At no'ng tinanong mo kung sino ang boyfriend ko.. Gulat na gulat ka nang malaman mo. At nang malaman mo kung ilang taon na kami ay mas nagulat ka. Anong meron, Yazzi?" napangisi nalang ako.
Actually, mula nang pagkamulat ko ng isang araw... Bigla nalang nya akong nilapitan at sinabing okay lang daw ba ang girlfriend nya. Nagtaka pa ako no'ng una, girlfriend? Girlfriend nya ako?
May mga ipinakita lang syang mga ebidensyang nagsasabing girlfriend nya ako. At doon nagsimulang malaman ko na mag-iisang taon na pala dapat kami. At naniwala din ako kasi iba 'yong nararamdaman ko sa kanya. At that time, ramdam kong mahal ko sya.
F L A S H B A C K
Nagising ako nang maramdaman kong may dumamping labi sa noo ko.
T-Teka?? N-Nasaan ako??
"Chizza??" tanong ng isang lalaki na syang humalik sa noo ko.
C-Chizza?? Chizza ang pangalan ko??
"You're awake! Nurse! Nurse!" saka sya tumakbo palabas.
A-Anong nangyari?? Nasaan ako?? B-Bakit hindi ko maalala kung... anong nangyari?? Bakit ako n-napunta dito??
At 'yong lalaking 'yon! Sino ba sya?? Bakit nya ako hinalikan sa noo??
Pinilit kong alalahanin 'yong mga nangyari. Pero... Bakit... Bakit blangko?? Bakit blangko?!
Nababaliw na ata ako!
Pumasok ulit 'yong lalaki.
"Kamusta ang girlfriend ko?" tanong nya sa akin.
G-Girlfriend??
"H-Huh? S-Sinong girlfriend mo?" takang tanong ko pa.
"You're my girlfriend, Chizza. Sino pa ba? May iba pa bang tao dito bukod sa ating dalawa?" malamig na tanong nya.
Wtf?!
Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita nya. Bakit... Ang cold ng pananalita nya? Bakit parang may kung anong kumirot sa dibdib ko?
"H-How??" taka kong tanong. "W-Wala kang s-sapat na e-bidensya p-para maniwala ako."
Napa-iling sya ng ilang beses saka pumunta sa sofa at may kinuha sya do'n.
Nang makuha nya 'yon ay agad nyang binigay sa akin at ipinakita.
"Eto. Papatunayan nyan, na may relasyon nga tayo. Pero, Chizza... dapat ay alam mo na agad kahit wala pang kompirmasyon. Dahil puso ang batayan dito, hindi ang mga ebidensyang kailangan mo."
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Misterio / SuspensoPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino