Chapter 17

576 22 1
                                    

Chapter 17
Yazzi's POV

"Hindi ko talaga ipapakilala si Xian sa'yo, inaasar ko lang talaga 'yong batang 'yon. Ang cute nyang maasar, eh." sabi ni Madam Trix habang tumatawa.

Nakitawa nalang din ako. Sumakay kami sa isang van saka pumunta ng Mall. Pagkapasok namin doon ay inakay kami ng mga guards papunta doon sa isang sikat at mamahalin na restaurant.

"Anong sa'yo, hija?" tanong nya.

"Kung ano nalang po ang sa inyo, madam."

Tumango sya at sinabi sa waiter ang mga order nya.

Sa totoo lang, nahihiya ako. Nahihiya ako sa kanya. Kasi kung maaalala nya ang dati, paniguradong... paniguradong pagdududahan nya ako ngayon. Kasi sinuway ko ang mga sinabi nila dati na layuan si Xyrgian. Ewan ko ba, naprapraning ata ako.

"Hindi ka ba talaga naaalala nila Sunshine?" pagsisimula nya.

"As I've said po kanina.. kung naaalala po nila ako, wala po ako ngayon sa harapan nyo."

"But what if, hindi ka nila nakalimutan? Na hinihintay lang nila na lumapit ka sa kanila? Baka ang akala nila ay nakalimot ka din?" tanong nya na ikinatigil ko.

Baka ang akala nila ay nakalimot ka din??

"Wait, madam. Bakit parang alam mo ang mga nangyari? I mean.. why does it sounds like you know everything? Na may mga nakalimot talaga?"

Gulat nya akong tinignan.

"You're so smart, hija." natatawa nyang sabi.

Wait.. ibig sabihin ay alam nya nga??

"Nakakalungkot para sa iba na nakalimot. Sino nga bang may kagagawan ng lahat ng ito?? Bakit nga ba sila nakalimot?? 'Yan ang gusto kong malaman, hija. Gustong-gusto kong malaman ang bagay na 'yan. Oo nga't nasa libro ng kasaysayan ng Green University ang makakalimot ang lahat sa darating na ika-isang siglo... pero paano mangyayari 'yon?? Masyado naman atang lalamunin ng pantasya ang paligid kung gano'n?? At bakit 'yong mga wala sa GU no'ng panahon na 'yon ay hindi nakalimot?? At bakit.. bakit hindi ka nakalimot?" tanong nya.

Hindi nga sya nakalimot.

"May ibinigay pong singsing ang dating principal ng GU."

"Dating principal?" taka nyang tanong. At parang inaalala nya ang mga naging principal ng GU. "Si Mrs. Joaquin ba?"

"Hindi ko po alam ang pangalan nya."

"Si Mrs. Joaquin nga siguro. Alam mo ba kung nasaan sya??" tanong nya.

Nasaan nga ba sya?

"Hindi ko po alam, madam. Ang alam ko lang ay sumusulpot sya sa oras kung kailan may iba akong katanungan sa isip ko. At sya nga po pala ang tumulong sa akin no'ng oras na naganap ang ika-isang siglo noong nakaraang limang taon."

Alam ba ni Madam T na buntis ako nang panahong 'yon??

"Kamusta ang apo ko?" tanong nya bigla.

Alam nya.

"Maayos naman po ang lagay nya. His name is Sky. At kamukhang-kamukha po sya ni Xyrgian." nakangiti kong sabi.

"Gusto ko syang makita." saka ngumuso.

Natawa nalang ako kasi kahit matanda na ang edad nila ay nakukuha parin nyang gumanito.

"Sure, madam. Kung gusto nyo after nating kumain ay puntahan natin sya." alok ko.

"Jinjja??" kumikislap ang mga mata nya sa sinabi ko. "Sure, sure. Let's go after we eat." saka nagsimula ulit syang kumain.

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon