Chapter 7
Yazzi's POVUmalis naman kasi ang mokong. Hayss. Hapon na wala pa din. Wala narin akong gagawin. Saan kaya pwedeng magpunta?
"Hindi ko naman pwedeng istorbohin sila Jestin."
Pero alangan namang tumunganga ako dito at titigan maghapon 'yong mga documents na natapos ko nang aralin at basahin.
♪I knew I loved you before I met you♪
Nagriring ang cellphone ko.
Unknown number
Sino kaya 'to?
"Good afternoon, this is the secretary of Mr. Gregfila. What can I do for you?"
[Yazzi.]
Infairness. Kilala nya ako.
"May I know who you are?"
[I am nobody.]
Nobody? Nobody nobody but you?
"I'm sorry, sir. But I have to end this nonsense call. Bye—
[Wait!]
"Speak."
[May dapat kang malaman.]
"What is it, sir?"
[Si Gregfila.]
"Bakit si Mr. Gregfila?"
Hindi nya ako sinasagot. Sa halip tumawa nalang sya nang tumawa.
"Hello? Why are you laughing?"
[He's drunk.]
"So?"
[Go fetch him.]
"Why would I?"
[Uhm, because... Because I said so.]
"Sino ka ba??"
[I'm the one who'll help you.]
"Help me?? Why me??"
[I know your plan, Yazzi. Alam ko ang lahat ng impormasyon na tungkol sa'yo. Alam ko lahat ng mga ginagawa at ipinaplano mo. At alam ko rin na plano mong paibigin ang boss mo.]
Shit!
[Puntahan mo sya ngayon sa Darmstadtium.]
"Sino ka ba?!"
[It's for you to find out, lady.]
Saka nya ako pinatayan.
Shit! Bakit nya alam?? Bakit nya alam?!
Hindi sa galit, pero kinakabahan ako. Atsaka nahihiya din ako sa kung sino mang lalaki 'yon.
Stalker ba sya?! Bakit alam nya 'yong mga ginagawa ko?!
"Fvxk."
Tumayo nalang ako at kinuha 'yong mga importanteng gamit ko. Saka ako dumiretso sa sinabi no'ng caller.
Darmstadtium? Anong naisipan ng may-ari at ganyan ang ipinangalan? Ano 'to? Periodic table of elements?
Tss.
Nang makarating ako do'n at pagkapasok ko ay nakita ko kaagad kung saan naka-pwesto ang mokong. Lalapitan ko na sana.
Pero... Hindi naman sya lasing?
"Yazzi?" he asked nang magawa ang tingin nya sa'kin.
Tatalikod na sana ako nang ma-higit na nya ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Misteri / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino