Chapter 10

638 20 0
                                    

Chapter 10
Yazzi's POV

"Yazzi."

"C-Chizza?"

Nagulat ako sa bumungad sa akin. Si Chizza. Sa dinami-dami ng lugar na pwede kaming magkita, bakit dito pa? Sa bahay? Anong ginagawa nya dito?

"You know me?" she asked.

Oo nga pala. Nakalimot nga pala sya.

"Uh, nakuwento kita sa kanya." palusot naman ni Jestin.

"Oh, okay." sabi nalang ni Chizza.

"Eh, ikaw? You know me?" I asked her.

Mukhang bastos pero... Hayaan na.

"Yes, of course I know you. Lagi kang nababanggit sa akin ni Jestin. We are a business partner." napanganga ako sa sinabi nya.

Business partner?? Bakit hindi ko alam 'yon?!

"Ah."

"Well, it's nice meeting you, Yazzi. Mauna na ako?"

"Uh, wait. D-Dito ka na maghapunan?" alok ko sa kanya.

"Aynako, 'wag na. Nakakahiya."

"No, don't be shy. Hindi ka dapat mahiya, noh. So let's go? Ako ang magluluto."

"Really? You know how to cook?" mangha nyang tanong.

"Yeah."

"Gusto kong matutong magluto, pero wala naman akong kaibigan na marunong magluto. Para sana makapag-paturo ako." sabi nya saka sumimangot.

"Pwede naman ako."

"Really?" gulat nyang tanong.

"Yup."

"Thankyouuuu!" saka sya nagtatatalon sabay yakap sa'kin.

I hugged her back. God, I miss this woman.

"Oh, sorry. Nadala lang ako sa emosyon." sabi nya saka kumalas sa yakap atsaka ako hinarap. "But I feel like hugging you." nagtataka nyang tanong sa sarili.

"Siguro, we're destined to be friends."

Napatingin sya sa mata ko. Bigla akong kinabahan do'n.

"Sorry, but I have a friend. Kaso hindi ko pa sya nahahanap, eh."

Pakiramdam ko, ako ang tinutukoy nya.

"It's okay, halika pasok ka." aya ko sa kanya.

"Okay."

Umupo sya sa sofa. Napatingin sya sa gilid, ando'n kasi 'yong iba kong mga libro.

"Yazzi, alis lang ako saglit." paalam sa'kin ni Jestin.

"Sa'n ka pupunta?"

"Uh, somewhere? Hahayaan ko muna kayo dito." sabi nya.

Napatitig ako sa kanya.

"May pinaplano ka, noh?" tanong ko.

"Uh, yeah. Something like that. Para naman sana may maitulong ako bago ako umalis dito." he said.

"Jes, napakarami mo nang naitulong. Ako dapat ang bumawi sa'yo, eh. Sapat na 'yong mga naitulong mo." sabi ko. Binitiwan ko muna 'yong kutsilyo saka sya hinarap. "Teka nga lang. Kung makapagsabi ka ng aalis, parang hindi ka lang dito sa bahay aalis, ah?"

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon