Chapter 18
Yazzi's POV"Haynako, Xyrgian. Stop that. Tinatakot mo si Yazzi." sabi ni tita.
Nanlaki ang mata ni Xyrgian at parang nagsosorry.
Hmp! Bahala ka dyan.
"Is that true, Yazzi?" pagkompirma nya.
"Habang nasa sasakyan kami ay kinakabahan sya na baka kung ano na naman daw ang ipagawa mo." natatawang sabi ni tita saka sumeryoso ang itsura't tinignan si Xyrgian. "Ano nga bang ipinapagawa mo sa kanya kapag nalalate sya?"
Tumikhim sya. Napangisi nalang ako.
"Pinag-overtime nya lang naman po ako, as in sobraaang overtime na halos 'di na ako umuwi. Sumunod ay binawasan ang sweldo ko. Sumunod at pinaglinis ng opisina nyang sinlaki na ng isang palapag ng building na 'to. At pinaglinis ng CR." sabi ko.
Naningkit ang mga mata ni tita.
"Is that true, Xyrgian?" tanong ni tita sa kanya.
"I, uh. T-That's... Ugh! Fine! Oo, totoo 'yon, Ma." suko nya.
Lagot.
"You really did that?! Ang pahirapan ang magandang dilag na 'to?!"
"I did that because I don't want her to know my feelings for her. Sa paraang 'yon kasi ay iisipin nyang ayaw na ayaw ko sa kanya." paliwanag nya na ikinatigil ko.
T-Totoo ba??
"Pero kahit na. She's still a woman. Ang mga babae, hindi dapat pinapahirapan." sabi pa ni tita.
Napatango nalang ako. Tama, tama.
"I know, Ma. It was a big mistake to make her suffer from my hands. And I'm sorry for that." tumingin sya sa akin.
"Anyway, I should go. May pupuntahan pa ako." saka ako kinindatan ni tita. Mukhang alam ko na kung saan sya pupunta. "Jalga!"
"Bye, tita." saka ako nag-wave.
Nang makalabas sya ay umupo na ako.
"What do you think about Xian?" he asked.
Nanlalaki ang mga mata ko at dahan-dahang lumingon sa kanya.
"What about him?" I asked.
"'Di ba pinakilala sya ni Mama sa'yo?"
Natawa nalang ako. 'Di makapaniwala. Hanggang ngayon pala ayon pa rin ang nasa isip nya.
"You really think na pinakilala sa akin ni tita 'yong kapatid mo? Hahaha."
"Anong nakakatawa do'n?"
"You're just jealous." sabi ko naman.
Tinignan nya ako ng seryosong tingin.
"Am I?" tanong nya.
Pakiramdam ko ay napahiya ko ang sarili ko. Assuming lang ba ako??
Haayy. Natahimik nalang ako atsaka ibinaling ang sarili ko sa mga papeles na napirmahan na nya. Atsaka chineck ko kung may problema ang kompanya pero buti naman dahil wala. Maayos mamalakad si Xyrgian. Kahanga-hanga.
"I'm sorry." bigla nyang sabi.
Tinignan ko kung may kausap sya sa telepono o kung may kausap talaga pero wala..
"Para saan?"
"Sa kanina."
"Okay."
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino