Chapter 24

616 23 3
                                    

Chapter 24
Someone's POV

"Unti-unti mo nang nalilinlang ang mga taong 'yon. Hanga ako sa'yo." sabi sa akin ng aking kapatid.

"Gano'n talaga. Kapag gusto mong mangyari sa kanila ang isang bagay, gagawa at gagawa ka ng paraan para magawa mo 'yon." saka ako napangisi.

"Anong plano mo ngayon?" tanong nya pa.
"Cerplastico." saka ako humalakhak.

Katagang si Siete lamang ang may gawa, na syang tumatak sa isip ng bawat estudyante sa loob ng unibersidad na 'yon. Katagang nangangahulugang kamatayan o death.

"Pero wala sa plano ko ang kumitil ng buhay. Pwera na lamang kung manlaban."

"Ang ininom mo.. tumatagal lamang 'yon ng dalawang buwan. Kaya hanggat maaga ay gumawa ka na ng hakbang." sabi pa nya.

"Ako ang bahala, 'wag kang mag-alala. Ipaghihiganti ko ang grupong ipinabagsak nya."

Maghintay kayo. Maghintay lang kayo at darating din ang oras kung saan makakabawi ako. Makakabawi din ako sa inyo. Sa paraang madugo.
         
                    
Chizza's POV

I knew it!

"Yazzi Autumn Smith. She is my bestfriend." saka ako napangisi.

Paano ko nalaman??

"Yes. And our gang leader is Xyrgian Fall Gregfila." sabi pa nya.

"Wait, what?? Si Mr. Gregfila ang leader natin noon??" gulat ko pang tanong.

"Yup. And you know what? May anak sila ni Yazzi."

O_O

M-May anak s-sila??

"W-What??" I was literally shocked. "I-Ibig sabihin, anak nila Yazzi at Mr. Gregfila si Sky Winter Smith??" gulat ko pang tanong.

"Tumpak! Pero dahil nga sa wala kayong maalala, hindi alam ni Xyrgian ang lahat. Wala syang kaalam-alam na ang kasama nyang bata ngayon ay anak nya talaga."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"May relasyon sila ni Yazzi." saka sya napangiti. "Tignan mo nga naman, kahit ano pang gawin nila para paghiwalayin ang dalawang taong nagmamahalan... kung puso na ang usapan, malamang ay babalik at babalik pa rin sila sa isa't-isa." tumingin sya sa langit na para bang may binabalikang alaala. "Tulad nga ng sabi nila... if it's meant to be, it'll be."

Mukhang... masaya sya sa nalaman nya.

"Pero may naalala ako." sabi ko bigla kaya bumalik ang tingin nya sa akin. "Sabi sa akin ng isang matanda na balita kong sya ang dating principal... kailangan nating buoin ang grupo."

"Mahihirapan tayo dyan, Chizza." seryoso nyang sabi.

"Sino-sino ba ang myembro ng gang?"

"Xyrgian, Yazzi, ikaw, ako, Jac, Xian, CJ and Yas. Mahihirapan tayong buoin ulit ang grupo, dahil maliban sa amin— I mean maliban sa akin, ni Yazzi at ni CJ... nakalimot sila, nakalimot kayo."

"Ano ang gagawin natin?"

"Hindi ko alam. Sa loob ng maraming taon, umalis ako dito sa bansa para maghanap nang maghanap ng posibleng paraan. Palipat-lipat ako ng bansa, pero wala. Wala akong nahanap."

"'Yong dating principal kaya? May alam kaya sya kung paano?" tanong ko pa.

"Kilala ko si Mrs. Joaquin. Hindi nya basta-bastang sinasabi ang solusyon sa isang bagay. Kung magsabi man sya, 'yon ay clue lang."

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon