Chapter 21
Xian's POV"CCTV number 3?" I asked.
"None, sir."
"Number 6?"
"Wala din po, sir."
"The last CCTV?"
"Wala po talaga, sir."
Fvxk! How did that happened?!
"Walang record maski isa?!" inis kong tanong.
"We're sorry, sir. Inagapan po namin ito kaagad, pero mukhang mas mabilis po ang suspect."
"This is bullsht."
Kakaiba naman kumilos no'n! Hindi basta-basta 'tong taong 'to. Unang nagreklamo at nagreport ng ganitong klaseng nilalang ay si Chizza. Pangalawa etong case ni Yazzi. Pero wala talaga!
"Lahat ng CCTV ay i-connect sa site ko. Now!"
Agad naman silang nagsikilos. At ilang minuto lang ay lahat ng CCTV camera ay nandoon na sa site ko. Chineck ko mula umpisa hanggang sa matapos pero wala pa rin talaga. Sa susunod ay hindi ko na patatakasin pa ang taong 'yon.
"Sir. May nais lang po akong sabihin sa inyo."
"Spill."
"Sir, mukhang hindi po tao ang isang 'to. O kung tao man ay tao ito na may kakaibang kakayahan."
"So, you mean... may kapangyarihan sya?"
"Not necessarily na kapangyarihan, sir. Pero kakaibang nilalang ang isang 'to. At may napansin po kami. Sa isang video po dito ay may isang lalaking kakaiba ang kilos. Pinapanood nya ang pagpark ng sasakyan ni Ms. Yazzi, at nang makapagpark ay biglang may isang nakatayo na sa likod ng kotse ni Ms. Yazzi. At ang lalaking pinapanood si Ms. Yazzi ay nawala sa pwesto nyang iyon. Pero doon po natatapos ang video dahil bigla nalang nag-black ang lahat." paliwanag ni Arthur.
Inisip ko ang sinabi nya..
"Posible kayang ang lalaking nanonood sa galaw ni Ms. Yazzi ay ang lalaking nakatayo sa likod ng kotse nya?"
"Maaari, sir."
Bigla naman akong kinabahan. Anong klaseng nilalang 'yon??
"Pero paanong nangyaring may gano'n syang kakayahan??" tanong ko pa.
"Moderno na ngayon, sir. At maaaring maraming inbensyon ang iba't-ibang scientist or di kaya'y normal lang na tao."
May punto sya doon. Sa panahon ngayon, kakaiba na ang mga nagagawa ng tao.
"Paano kayang mahuhuli ang isang 'to??" tanong ko pa.
"Dyan tayo mahihirapan, sir. Kaya nyang kumawala sa'yo sa loob lang ng ilang segundo, kung saan hindi mo mamamalayan." dagdag nya.
Kung ganoon, mahihirapan kami sa isang 'to. Kailangan naming pagplanuhan nang maigi ang lahat.
Sino ka ba?? At anong nangyari... bakit ganyan ka?? Bakit... kakaiba ka??
Yazzi's POV"Mommy! Huhuhuh, are you sure you're okay?? I'm so worried, mom." kanina pa sya tanong nang tanong at iyak nang iyak.
"Sky, I'm very sure. Stop crying baby, okay? Okay na si mommy, you don't have to worry."
"But I'm so worried, mom. Huhuh."
![](https://img.wattpad.com/cover/133086773-288-k493262.jpg)
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino