Chapter 34
Yazzi's POV"There! That's my house!" sigaw ko at itinuro ang kaka-pinturang navy blue gate.
Hininto nya 'yong kotse nya sa tapat ng gate atsaka naman ako bumaba. Pero agad din syang bumaba para alalayan ako papasok dahil pa rin sa pag-arte kong pagewang-gewang na galaw.
"Aray!" daing ko nang aksidente akong natapilok.
"Be careful, Yazzi." saka nya ako inalalayan patayo.
Napairap nalang ako sa ginawa nya. Konting-konti nalang talaga masasapak ko na 'to dahil halata naman na chinachansingan ako. Lintek' to.
"Salamat." sabi ko.
Tinignan nya lang ako sa mata at nginitian. Pero may ginawa akong bagay na alam kong ikakagulat nya. At hindi nga ako nagkamali dahil mukhang nabigla nga sya sa ginawa ko. Nandiri man ako pero kailangan. Hinalikan ko sya sa pisngi.
"Bye! Ingat ka!" saka ako pumasok sa bahay ko.
Bigla ay tumakbo ako papasok sa banyo at nag-toothbrush.
Sht. Kung sakaling nakita ako ni Xyrgian siguradong mag-aapoy ang galit no'n kay Martin at baka 'yon pa ang maging dahilan ng pagkasira ng plano. Lagot. Pero kinailangan kong gawin' yon. Dagdag puntos para mapaniwala sa Fred sa mga susunod na hakbang ko.
Pagkatapos kong mag-toothbrush ay pumasok nalang ako sa kwarto ko.
Bigla kong namiss ang anak ko. Kamusta na kaya sya? Gusto ko syang makita, gusto ko syang puntahan.
Natigil ako sa pag-iisip sa anak ko nang biglang mag-vibrate 'yong cellphone ko at nagulat ako nang mabasa ang text na na-receive ko.
I saw what you did.
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Alam nyang umalis ako. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita kong may taong nakatayo sa balcony.
"Stop this damn plan, Yazzi. Marami pang paraan! Why did you follow what that freakin' girl said?? Have you forgotten that I am Xyrgian Gregfila?? I can finish that mission in just a fvxking minute?? You don't have to fvxking sacrifice. You're just making me jealous and that fvxking feeling of mine can fvxking kill a person named Frederick Martin. Right here, right now." sambit nya habang papasok dito sa mismong kwarto ko.
Nagulat ako sa mga pinagsasasabi nya.
He's crazy.
Napa-iling nalang ako dahil hindi ko lubos maisip kung bakit sya nandito at kung bakit kung ano-ano na ang sinabi nya kani-kanina lang. Oo, hinalikan ko sa pisngi si Fred. But that was just a fvxking acting of mine.
"Bakit ka nandito??" tanong ko sa kanya.
"I have my right."
"Pero bigla ka nalang pumasok, trespassing ang ginawa mo."
"It's not."
Unti-unti syang lumapit sa akin, unti-unti naman akong umatras hanggang sa ma-corner na nya ako.
"Why did you kissed him??" seryoso nyang tanong.
"Tang ina, acting lang 'yon—
"Shut it. You still kissed him."
"Sa pisngi lang' yon! Masyado kang OA! At 'pag sinabi kong pag-arte lang' yon, pag-arte lang!" sigaw ko naman.
Nakakainis na, ah!
"Lumayo ka nga sa'kin!" sigaw ko ulit saka sya tinulak. "Umuwi ka na, please lang!"
"No. I won't."

BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystère / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino