Chapter 19
Yazzi's POVPagkarating namin sa mansyon ng mga Martin ay nandoon na ang Smith maging si Tita at ang tatay ko.
Nang makita ako ni tita ay agad syang kumaway kaya napatingin sa amin ni Xyrgian lahat ng nandoon. Hawak nya kasi ang kamay ko. Nakita kong nakatingin sila Sunshine at Cres sa kamay naming pareho ni Xyrgian. Saka sila napangiti.
Nakita ko narin si Mr. Martin na nakatingin din sa kamay namin ni Xyrgian. Mapakla ang pagkakangiti nya. Anong ibig sabihin no'n?
"Have a seat Mr. Gregfila and Ms. Yazzi." sabi ni Mr. Martin.
"Thank you." sabay naming sabi ni Xyrgian saka naupo.
Mukhang kaming dalawa nalang ni Xyrgian ang talagang hinihintay nila.
"So, let's begin?" tanong ni Mr. Fernando.
Ngumiti kaming lahat hudyat ng pag-sang ayon.
"We're so glad that you accepted our invitation for this dinner. I am Mr. Fernando Martin, and this is my wife Mrs. Alice Martin. And I have 2 sons, Alex and Frederick Martin." pagpapakilala nya sa pamilya nya.
Tumango lang kami sa bawat isa sa kanila.
"I am Sunshine Smith, and this is my husband Derrick Smith. My daughter Alessia Smith and my son MJ Smith." pagpapakilala naman nya.
"I am Patrick Smith and this is my wife, Patricia Smith. And here's our adopted child, Yuan Smith."
Kailangan talagang sabihin ang adopted?? I feel sorry for Yas.
"I am Crisostomo Sandoval." pagpapakilala ni Papa.
Crisostomo Sandoval pala ang tunay na pangalan nya. Eh, ako kaya? Ano kaya ang tunay kong pangalan? Yazzi Autumn Sandoval?
"I am Trixy Gregfila. And those are my son, Xian and Xyrgian Gregfila. And the girl beside Xyrgian is Ms. Yazzi Smith." diniinan pa ni tita ang Smith.
"How are you related to Smith, hija?" tanong naman ni Mrs. Martin.
"U-Uh..." 'di ako makapagsalita.
"She's my daughter, and Mr. Crisostomo Sandoval is her father." sabi naman agad ni Sunshine.
Napatango nalang sila at mukhang hindi na sila magtatanong pa. Pero nagkakamali ako kasi biglang nagsalita si Frederick.
"If you are their daughter, bakit Smith ang dala-dala mong apelyido?" tanong nya.
"Fred!" saway sa kanya ni Mr. Fernando.
"I'm just asking, dad."
"Stop it. I'm sorry, Ms. Yazzi." paghingi ni Mrs. Martin ng paumanhin.
"It's okay, Mrs. Martin." saka ako tumango.
Nagsimula na kaming kumain at nagsimula narin silang mag-usap ng tungkol doon sa partnership. Hindi ako nakinig sa halip ay itinuon ko ang atensyon ko sa kinakain ko. Isipin ko palang na pamilya ko ang kaharap ko, napipipi na ako. Atsaka hindi ako komportable dito. Parang gusto ko nalang umalis. Tumayo ako kaya napunta sa akin ang atensyon nila.
"Punta lang po akong washroom." paalam ko.
"Okay, hija. Manang, lead her the way." sabi ni Mrs. Martin.
Tunay ngang napakaliit ng mundo. Ang manang na tinawag ni Mrs. Martin ay ang dating principal.
"Mrs. Joaquin, ano na naman ba 'to?" tanong ko sa kanya nang makalayo kami doon.
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino