Chapter 23
Yazzi's POV"So... who's the real father?" nagulat ako sa itinanong nyang 'yon.
Tinignan ko lang sya, hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong palusot na naman ang pwede kong sabihin.
Napabuntong-hininga nalang sya.
"Okay. I won't ask anything about that again. But would you mind telling me what was happened?? I mean... bakit kailangan kong magpanggap??" tanong nya.
"Because you're the only man who can do that. And the only man who should do that." sapat na siguro ang mga katagang sinabi ko para maintindihan nya ang lahat.
Kung hindi sya, sino 'di ba? Perhaps, he's my boyfriend. Gawain lang 'yon ng boyfriend. And besides, he's the real father. Tama na siguro ang paraang ito. Papalapitin ko ang loob nya kay Sky, at kapag nakaramdam na sya ng kakaiba ay hindi sya magdadalawang-isip na kuhanan ng DNA Test si Sky at doon nya malalaman... na sya talaga ang tunay na ama ni Sky.
'Yan. 'Yan ang paraan ko sa ngayon.
"Why? Because I'm your boyfriend?" he asked.
"Xyrgian. I thought you're okay with it?? What happened now?? Parang kanina lang ay sinabi mong ayos lang sa'yo na may anak ako?? Anong nangyari at bakit bigla namang paiba-iba ang sinasabi mo??" inis kong tanong.
"It's not like that, Yazzi-
"Then what?!" sigaw ko.
Nilapitan nya ako at hinawakan sa kamay.
"I really don't like pretending, Yazzi. Ayaw kong nagpapanggap, mas gusto ko ang totohanan. I already quit on pretending." sabi nya na syang ikinagulat ko.
Parang may naghahabulan na namang kung ano-ano sa puso ko sa sobrang bilis ng kabog no'n.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"I want to be the real father of Sky Winter." pagdidiin nya.
You're the real father, stupid.
"I-I don't g-get it.."
"Kakalimutan ko ang pagpapanggap at kikilalanin kong tunay na anak si Sky."
Akala ko pa naman pakakasalan mo ako. Psh.
"A-Are you sure??"
"I've never been this sure." saka sya ngumiti.
"But I think, t-that's unfair for his real father.."
Kahit na ikaw talaga ang tunay nyang ama.
"It should be fair for him. Iniwan nya kayo."
Natahimik ako sa sinabi nyang iyon. Kung alam nya lang siguro na sya ang tunay na ama ni Sky, hinding-hindi nya sasabihin ang bagay na 'to. Pero dahil hindi nya alam... tinatamaan sya ng sarili nyang mga salita ng hindi nya alam.
"Oo, tama ka. Iniwan nya kami." seryoso kong sabi, parang nanigas sya sa kinatatayuan nya. "At 'yon ang pinakamasakit sa lahat." nagsisimula na namang mamasa ang mga mata ko. "Oo, alam nyang may mabubuo sa sinapupunan ko. Pero hindi nya na nakita ang paglabas ng anak ko. Alam mo kung bakit?? Kasi iniwan nya kami. Pero naiintindihan ko sya kung bakit nya kami iniwan. Tulad ng sinabi ko sa'yo noon, dahil nakalimot sya. Hindi nya ako maalala." napayuko ako saka pinunasan sandali 'yong mga luhang tumulo. "Yon naman yata talaga ang pinakamahirap sa lahat, eh. Ang makalimutan ka na ng taong sobra sobra mong minahal." tumawa pa ako saka sya hinarap. "Ang daya-daya ng mundo, Xyrgian. Bakit napakadaya??" hagulgol kong tanong. Dinig na dinig na ang paghikbi ko sa buong kwarto. "Sabi ko sa sarili ko, may dahilan kung bakit nangyayari lahat ng 'to sa'kin. At balang araw, matatapos din ang lahat ng paghihirap ko. At makakalaya na'ko sa lungkot." saka ako ngumiti.

BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino