Chapter 13
Xyrgian's POVNang makita ko syang umiiyak ay parang binibiyak 'yong puso ko.
I can see sadness, pain and... I can say that she's tired but, she doesn't want to give up. Kahit na nahihirapan sya ay ayaw nya pa ring sumuko. She's so brave.
"Saan tayo pupunta?" she asked.
Nginitian ko nalang sya at ibinalik ang tingin sa daan.
Pupunta kami sa masayang lugar syempre, I want to cheer her up. That's the best thing to do by now.
Nang makarating kami sa Star City ay kumuha ako ng pang-one to sawa na ticket.
"Let's enjoy this moment." sabi ko.
"Sa pagkakaalam ko, date ang tawag dito." saka nya ako tinignan at nginisian. "May pa-suspense ka pang nalalaman. Hindi ito ang first date ko, noh. Tch."
-.- so what is she trying to say?? Na hindi ako ang unang taong nagdala sa kanya dito??
"Who else brought you here??"
"Hmm.. Ba't mo natanong?"
"I'll find them."
"Bakit?"
"To kill them."
Biglang nanlaki mga mata nya, tinawanan ko nalang ang reaksyon nya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya papunta sa isang rides. Pagabi narin kaya siguradong mas magandang sumakay sa mga rides.
"Hindi ka naman siguro takot sa heights??" I asked her.
"Mm. Sa isang bagay lang naman ako takot, eh." biglang sabi nya.
"Saan naman?"
Hindi nya ako sinagot. Nginitian nya lang ako at sya na ang humila sa akin papunta doon.
Natuwa naman ako sa kanya. Hindi sya ganito. Siguro ay may gusto din sya sa akin, hindi nya lang maipakita noon kasi boss nya ako. Para sa amin ayos lang, pero mali 'yon sa iba. Marami kasing mapanghusga.
"WAAAAAH!" sigaw nya na parang nag-eenjoy.
Itinuon ko ang pansin ko sa kanya. Ang ganda ng pagkakangiti nya at kita ko ang kislap sa mga mata nya. Kakaibang babae, sa simpleng bagay ay sumasaya. Kailan ko kaya sya makikitang sumaya ng ako ang may gawa?
"Saan ang next?" excited nyang tanong.
Hinila ko naman sya papunta sa Horror train. At nang makapasok na kami ay laking gulat ko nang tawanan lang nya 'yong mga multo.
"BWAHAHAHAHA!" tawa nya. Ang kanang kamay nya ay nakaturo sa mga multo at ang kabila naman ay nakahawak sa tyan nya.
Sincere ang pagkakatawa nya.. Dahilan para mapanganga ako.
"Saan next?" puro ganyan ang tanong nya sa tuwing matatapos kami.
Hinihila ko lang sya sa kung saan-saan. At tuwang-tuwa naman sya. Lalo na nang sya naman ang humila sa akin papunta doon sa may machine na kinukuhanan ng stuffed toys. Madaming try ang nagawa nya pero wala pa rin syang nakukuha, 'yong itsura nya ay nahihirapan at nag-iisip. Naiinis na sya pero hindi pa rin sya tumitigil. Wala naman akong ginawa kung hindi tumawa nang tumawa sa reaksyon nya.
"Tsahahahaha!"
"Tawa ka nang tawa dyan! Tulungan mo kaya ako?! Gusto ko 'yon! At dahil manliligaw kita, kukuhanin mo 'yon para sa'kin. Dagdag points 'yon." sabi nya at agad naman akong pumwesto doon.
Narinig ko pa syang tumawa. Tss. Pero dahil natutuwa ako't sa wakas ay tinawag nya akong manliligaw nya, ay ilang try lang ay nakuha ko na ang stuffed toy na itinuro nya kanina.
"Hey there, baby." pagkausap ko sa stuffed toy at tinignan ko si Yazzi. "Here, babe." sabay abot ko sa kanya no'n.
Namumula sya. Hahaha!
Tumingin ako sa relo ko at magse-seven na pala ng gabi at magsisimula na ang firework display. Gano'n na kami katagal na nag-stay dito?
"Let's go." hinawakan ko sya sa kamay atsaka hinila sa ferris wheel.
Maswerte dahil tatlo lang ang nasa pila at hindi na kami nahirapang sumakay doon. Pero bago kami sumakay ay may kinausap muna ako. Mukhang excited na excited ang kasama ko.
Kakasakay palang namin ay tumingin na sya sa labas. Mabagal ang andar ng ferris wheel kaya sa tingin ko ay mas mai-eenjoy namin 'to. Gusto ko syang makausap ulit. Pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Tumingin nalang muna ako sa labas. Malapit na kami sa kalahati, kaya umayos na ako ng upo. Tinignan ko ang mga mata ni Yazzi. Kalmado, payapa, masaya, malungkot... Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya.
"Alam mo ba? Ikaw ang unang taong nagdala sa akin dito." biglang sabi nya.
May kung anong saya akong naramdaman sa sinabi nya. Umayos sya ng upo at tumingin sa akin ng diretso.
"Salamat dahil... dinala mo ako dito. Sa paraang 'yon kasi ay nakalimutan ko panandalian ang mga problema ko." nakangiting sabi nya.
"Kung gano'n ay kailangan pala kitang dalhin dito araw-araw?" tanong ko at kita ko naman ang pagtataka sa mukha nya. "Para hindi lang panandalian ang pagkalimot mo sa problema. Para tuluyan mo nang makalimutan ang mga 'yon at magsimula kang mamuhay ng masaya."
"Hindi na yata maaalis sa akin 'yon." saka sya napapikit at napa-buntong-hininga.
Tinignan ko sya at nagsisimula nanamang mangilid ang luha nya.
Sa ganoong posisyon biglang huminto ang ferris wheel. At nagsimula na ang firework display. Napatingin sya doon at nakita ko ang sayang may halong lungkot sa mga mata nya. Ang inaasahan ko ay pupurihin nya 'yong fireworks dahil sa saya pero imbes na gano'n ang mangyari ay biglang nagsunod-sunod ang pagtulo ng luha nya.
"Hey, hey." bigla ko syang nilapitan at pinunasan ang mga luha nya. "Umiiyak ka nanaman."
"Sorry, haha. Hobby ko na siguro ang pag-iyak." sabi nga na kunwari ay tumatawa.
Niyakap ko lang sya at hinayaang umiyak sa balikat ko. Nagpatuloy ang firework display habang ako ay nakayakap sa kanya at sya naman ay umiiyak.
Nang matapos ang fireworks display ay umandar din kaagad ang ferris wheel. At pagkababa namin ay inaya ko syang kumain muna at pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami.
Tahimik kami sa byahe. Gusto kong alamin ang problema nya pero hindi ko pwedeng itanong. Dahil kung gusto nya namang sabihin 'yon ay sasabihin din naman nya.
Hinatid ko sya sa bahay nila. Pinagbuksan ko sya ng pintuan.
"Uh, sana nag-enjoy ka." saka ko sya nginitian.
"Nag-enjoy talaga ako, salamat."
Sa 'di malamang kadahilanan ay biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.
"Uh, I guess... mauna na ako?"
"Mm. Salamat. Ingat sa pag-uwi."
Lumapit muna ako sa kanya atsaka sya niyakap at hinalikan sa noo.
"Cheer up. You deserve to be happy." pagpapalakas ko ng loob nya.
Ngumiti lang sya. Tatalikod na sana ako nang bigla nyang higitin ang kamay ko.
"Alam mo ba kung ano ang pinaka-kinakatakutan ko sa lahat?" tanong nya at tumingin lang ako sa kanya. "Takot na akong magmahal." muli ay may tumulo nanamang mga luha sa mata nya. "Dahil sa tuwing magmamahal ako, ako nalang lagi ang nabibigo sa huli." parang naghahabulan ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata nya na maging ako ay nahahawa. "Kaya, Xyrgian. May pakiusap ako sa'yo."
"A-Ano 'yon?"
"'Wag mo sana akong bibiguin."
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino