Warning: SPG! Read at your own risk.
Chapter 31: Lied
Xyrgian's POV"Okay na'ko sa plano." sabi nya na syang nakapagpadurog sa puso ko.
"No.."
"Simulan na natin ngayon."
Saka nya ako nilagpasan. Bumagsak ang balikat ko sa naging desisyon nya at napangiti nalang ng mapakla.
"Here's the powder. Bago mo haluan ang inumin o pagkain nya ng ganito, dapat masigurado mo munang hindi kahina-hinala ang mga gawa mo. Kuhanin mo muna ang loob nya, pero bago 'yon ay kailangan mo munang mag-resign biglang secretary ng 7th Company at lumipat sa 10th Company kung saan ang magiging boss mo ay si Fred mismo." paliwanag ni Ellie sa kanya.
"T-Teka, bakit kailangang magresign?!-
"Sige, Ellie. Gagawin ko 'yan." pagputol ni Yazzi sa pagrereklamo ko. "Hayaan mo ako muna ako, Gregfila. Para din 'to sa'tin. Layuan mo muna ako hanggat hindi ko pa natatapos ang misyon ko."
Wtf. Napaatras nalang ako bigla at parang nanlambot. She shouldn't decide on her own!
"But-
"Aalis na muna ako at gagawa ng resignation letter. Maiwan ko na kayo." sabi ni Yazzi sabay labas.
Susundan ko na sana sya kaso bago pa ako makahakbang ay nahawakan na ng Ellie na'to ang braso ko.
"Hayaan mo na sya. Marami na syang hirap na napagdaanan sa nakalipas na mga taon, kaya hindi mo na sya mapipigilan na tapusin lahat ng paghihirap nya. Gusto nyang maging masaya at malaya sa lahat, kaya nakikiusap ako sa'yo na 'wag mo muna syang pakikialaman sa mga desisyon nya." she said then she tapped my shoulder. "Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay magpanggap na hindi na kayo magkakilala, kundi mas mapapahamak sya sa kamay ng mga Martin sa oras na malaman nilang nakaplano ang lahat. Tigilan mo muna sya at 'wag lalapitan. At 'wag kang magkakamaling maglasing, dahil iba ka kapag lasing. Hindi mo alam ang sinasabi at ginagawa mo kapag lasing ka. Mag-ingat ka." saka nya ako iniwan sa laboratory.
Sht.
I should've made her pregnant, para kung sakaling mahulog sya sa Martin na 'yon na alam kong hindi mangyayari pero posible ay hindi na sya makakawala sa akin.
Humanda ka mamayang gabi, Yazzi.
Yazzi's POVI was busy getting and packing my things, para sa gano'n ay masimulan ko na ang plano. Naipasa ko na ang resignation letter ko at pinirmahan nalang 'yon kaagad ni Xyrgian.
Pero nahalata ko, kanina pa sya nakatingin sa akin. Na parang ang lagkit ng mga tingin na 'yon.
Bigla ay kinabahan ako at nag-init ang katawan ko. Hayy, ewan. Iba talaga 'yong epekto nya sa akin.
Matapos kong masinop at maayos ang lahat ay sinimulan kong buhatin ang isang kahon kung saan nando'n ang personal kong mga gamit. Nang biglang magsalita si Xyrgian..
"Yazzi.."
Napaharap naman ako sa pwesto nya.
"Y-Yes?"
Bakit ako kinakabahan?? Lintek na 'to, baka masira pa 'tong plano, eh.
"Can I invite you to dinner?"
Kita ko sa mga mata nya ang pakikiusap, nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.. haayy, mahirap tiisin ang isang taong sobrang halaga sa'yo.
"Xyrgian, napag-usapan na natin 'to-
![](https://img.wattpad.com/cover/133086773-288-k493262.jpg)
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Tajemnica / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino