Chapter 29: The Truth 2

536 22 2
                                    

Chapter 29
Yazzi's POV

"Oh, really.. Hindi ka manloloko? Sigurado ka ba dyan? Hindi ba panloloko ang magkunwari sa harapan ng kuya mo? Pati sa nanay mo?" narinig kong sabi ni Akisha.

Nagpunta ako sa lugar na alam kong doon ko sila makikita.

"May dahilan kung bakit ko ginawa 'yon, at kung bakit patuloy kong ginagawa." sabi naman ni Xian.

"Edi parehas lang pala tayo. May dahilan din kung bakit ko nagawa 'yon, at kung bakit patuloy ko pa ring ginagawa." sabi ni Jac.

"Edi lumabas din ang totoo, inamin mo rin na niloko mo ang pinsan ko! Dahilan?? Well, fvxk that reason of yours! Kahit na may dahilan ka, kapag niloko mo ang isang tao.. ibig sabihin lang no'n ay niloko mo! Ni kasehodang dahilan pa ang meron ka, hindi mo mababago ang katotohanan na niloko mo sya!" Xian.

Langya. Pare-parehas lang kayo.

"Shut up!" sigaw ko.

Bigla silang natahimik at napatigin sa akin, or should I say... sa amin.

"Pare-parehas lang kayong nanloko!" sigaw ko.

"Hey, what do you mean?" tanong ni Xyrgian.

"Yazzi.."

"Siete.."

Psh.

"Alam ko na ang lahat!" sigaw ko pa. Doon ko nailabas ang galit na kanina pa gustong kumawala sa akin.

"A-Anong ibig mong s-sabihin?" tanong sa akin ni Xyrgian.

Nagpunta ako sa gitna nilang lahat, at tinignan sila isa-isa.

"Ang lakas ng loob nyong lokohin ako? Lokohin kami?" nagsimula naring magtubig ang mga mata ko. "Alam nyo ba kung anong pinagdaanan ko?? Alam nyo ba?! Syempre hindi kase wala kayo no'ng mga panahon na naghihirap ako, mahanapan lang ng solusyon ang problemang 'to!"

"Yazzi.."

"Baby.." si Xyrgian.

Tsk. Pati dito dadalhin ang pa-baby baby nya.

"Ikaw Akisha. Kaibigan kita 'di ba? Pero bakit naglihim ka?" sunod kong tinignan si Jac. "Kaibigan kita 'di ba? Pero bakit nyo ako niloko?" sinunod ko si Xian. "Kapatid ka ng boyfriend ko, tito ka ng anak ko, at ikaw ang brother-in-law ko.. pero bakit? Bakit pati ikaw niloko mo ako?"

Tinignan ko si Xyrgian. Mukhang tangang nagpipigil ng ngiti.

"Hindi ito ang tamang oras para kiligin ka." mariin kong sabi.

Napahagikgik naman silang mga nandito.

"Shut up!" sigaw ko saka sila napatahimik.

"W-We're sorry..." sabay-sabay nilang sabi maliban kay Chizza.

"Xyrgian, Chizza. Anong ginawa nyo??" tanong ko sa kanila.

"Anong ginawa?" nagtatakang tanong ni Chizza.

Napailing nalang ako, wala nga pala silang maalala.

"Sumama kayong lahat sa akin." sabi ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Green University."

Nauna na akong naglakad papunta sa sasakyan, pero habang naglalakad ay nagtanong si Xian.

"'Di ba matagal nang wala ang Green University??"

"Yup. Pero napalitan ng panibagong University." sabi ko sabay sakay sa van. "Sa ngayon, nakasarado ang university na 'yon."

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon