Chapter 39

595 18 2
                                        

Chapter 39
Yazzi's POV

"Yazzi.." bungad nila sa akin.

Nagpunta ako dito sa bahay nila Mama, nakita ko sila Ate Alessia at Kuya MJ. Kaagad naman silang tumakbo palapit sa akin na para bang naaalala na nila ako.

"Oh, God. I miss you so dmn much, sis!" sabi ni ate sa akin.

"We're sorry." sabi naman ni Kuya.

Kumalas muna ako sa yakap saka sila hinarap.

"Kuya, no need to say sorry. Wala naman kayong kasalanan." sabi ko sa kanila.

"Pero hindi maiiwasan na hindi sisihin ang mga sarili namin. Kung hindi kami sumang-ayon sa pinaplano ng iba ay sana nasamahan at nadamayan ka namin no'ng panahong kailangang kailangan mo ng mapagsasabihan at masasandalan." sabi naman ni Ate.

"Biktima lang tayong lahat, atsaka kalimutan nalang natin ang nakaraan. Iwan na natin, magsisilbi nalang syang alaala sa atin. Pinatatag lang nya tayo. Kaya sa ngayon, kailangan nating i-enjoy ang lahat lahat." sabi ko naman.

Napangiti silang lahat at niyakap namin ang isa't isa.

Nagtungo kami sa garden at doon nagkaroon ng salo salo ang pamilya namin. Nandito din si Tito Derrick, kahit si Papa ay nandito at katabi ang anak ko. Maayos na ang pamilya namin, matagal na. Walang alitan. Lahat ay okay na.

"I heard that Xyrgian already proposed to you, Yazzi?" tanong ni Tito.

"Yes, tito." sagot ko naman sa kanya.

"Kailan ang kasal?" tanong ni Mama.

"Hindi pa po namin napag-uusapan, Ma."

"Eh, kailan nyo pa pag-uusapan? Kung kailan malaki na ang tiyan mo?" tanong ulit nya.

"Ang mabuti pa anak ay mapag-usapan nyo na kaagad." sabi naman ni Papa.

"I'm so excited, mommy!" ganado namang sabi ni Sky habang may hawak na chicken na syang nilalantakan nya ngayon.

Maayos na si Sky, magaling na sya. Maayos na ang naging lagay ng puso nya, at sobrang nagpapasalamat ako dahil sa wakas ay naging okay na ang isa pa sa problema ko.

Nag-kwentuhan pa muna kami sandali, marami-rami rin kaming napag-usapan. Katulad ng kung kamusta na ang unibersidad na ipinalit sa GU. At naipasarado na ang yung munting paraiso sa ilalim ng GU.

Ang magkapatid na Martin ay wala na. Ang kanilang magulang naman ay kasalukuyang pinagbabayaran ang mga kasalanang nagawa nila.

"Ano pong pwede kong gawin para mawala na ang kung ano man ang ibinigay nyo sa akin ni Xyrgian noon, Ma?" tanong ko.

Natigilan sila, alam kong alam nila kung ano ang tinutukoy ko.

"Pero anak, magagamit mo 'yan para sa proteksyon nyo." sabi naman ni Mama.

"Pero, Ma. Gusto kong mamuhay nalang ng normal. Ayoko na nito. Oo, makakatulong nga 'to sa'min pero hindi ako dapat umasa dito. May kakayahan naman kami ni Xyrgian na ipagtanggol ang pamilya namin nang hindi gumagamit nito."

"Aish. Okay, it's up to you, anak. Meron akong naitatagong antidote para dyan, kuhanin mo nalang sa akin kung kailan ka pwede."

"Salamat, Ma."

"Anything for you, anak."

Napangiti nalang ako, pero napawi ang ngiti ko nang marinig kong may tumikhim mula sa likuran namin.

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon