Chapter 33

586 32 2
                                    

Chapter 33
Yazzi's POV

Mahimbing ang tulog ni Xyrgian, pero ako ay nanatiling gising. Nagpla-plano ng pag-alis. Nakalimutan ko panandalian ang problema, pero matapos ang pinagsaluhan namin ay agad bumalik ang mga sakit na sya mismo ang dahilan.

Gusto ko man syang bitiwan at kalimutan, pero bakit ang tanga ng puso ko? Sinaktan na ako ng sobra, niloko at nagsinungaling pa sa'kin ang taong mahal ko pero hindi sya magawang bitiwan ng puso ko.

Pero kailangan ko nang umalis kahit alas-dose na ng madaling araw. Masakit man para sa akin ang iwanan na naman sya matapos naming magtalik, pero eto ang dapat kong gawin sa ngayon.

Habang isinusuot ko ang damit ko ay naluluha na ang mga mata ko, sumasakit narin ang dibdib ko at nanlalabo na ang paningin ko.

Hindi pala sya nakalimot, pero bakit hindi ko nahalata? Oo minsan naghihinala akong nakakaalala talaga sya, pero dahil sa mga nangyayari... nawala lahat ng paghihinala ko. Ang galing nyang magpanggap. Kaya ako nasasaktan, eh.

Matapos kong isuot ang lahat ng kailangang isuot ay kinuha ko na ang mga gamit ko. Sinulyapan ko muna sya sandali bago dire-diretsong lumabas ng unit nya.

Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko, hindi ko 'yon mapigilan. Dahil kapag pinigilan ko ay mas sasakit pa ang dibdib ko.

Pumara ako ng taxi, mabuti nalang at may taxi pa kundi 'di ko alam kung saan ako sasakay pauwi. Nagpahatid ako sa isang store malapit sa park na syang pagtatambayan ko. Bumili muna ako ng makakain at maiinom, alak. Pagkatapos kong bumili ay agad akong pumunta sa park na tinutukoy ko kanina.

Maaliwalas ang langit, sariwa ang simoy ng hangin... ang kalmado ng paligid. Sapat na para mapagaan ang nararamdaman mo. Nagsimula akong uminom, hindi naman ako kakabahan na baka may ibang mangyari kapag uminom ako dito mag-isa dahil alam ko ang ginagawa ko kahit nakainom ako.

"Mag-isa ka lang?" tanong ng isang taong inaasahan kong darating.

Stalker ko na 'to, kahit mainit ang dugo ko sa kanya ay kailangan ko pa rin syang pakisamahan. Kailangan kong gawin ang plano.

"May nakikita ka bang kasama ko?" pamimilosopo ko.

Natawa naman sya.

Tamang umpisahan ang usapan sa biruan, malay mo.. maganda ang kalabasan.

"I mean, where is your boyfriend?" tanong pa nya.

Dahil sa tanong nyang 'yan ay natahimik ako atsaka nagsimula ulit na uminom. Uminom ako nang uminom, hindi ko namalayan na naubos na pala 'yong beer. Tss, bitin.

"Is there any problem, Ms. Yazzi?" tanong nya.

"Alam mo, masyado kang pormal. Hindi ako komportable sa mga pormal."

"Oh, sorry."

Natahimik naman. Kaya nagsimula nalang akong magdrama. May halong pagpapanggap at may halong katotohanan.

"Niloko nya ako." panimula ko. "Pinaniwala nya akong mahal nya ako, pero kung mahal nya ako.. bakit nya ako sinasaktan?? Minsan nga gusto ko nalang mamatay. Kasi pakiramdam ko, buong buhay ko wala nang magandang nangyari. Puro nalang sakit, pait, hirap.. lagi nalang ako naloloko. Pakiramdam ko nga, lahat ng nakapaligid sa akin niloloko lang ako. Ayoko nang magtiwala. Ang tiwala kasi ay ibinibigay lang sa mga taong deserve ang tiwala mo. At sa kaso ko, wala nang may deserve ng tiwala ko." paliwanag ko, may kaunting katotohanan at kasinungalingan. Pero karamihan ay katotohanan kaya nadala ako sa emosyon, parang totoo tuloy na nasasaktan ako dahil kay Xyrgian... na totoo naman talaga.

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon