Chapter 16

616 21 4
                                        

Chapter 16
Xyrgian's POV

I press the button to unlock the door. At agad namang pumasok si Mama.

"Yah! Bakit ang tagal mong pagbuksan ang mama mo??" bungad nyang sabi. "At bakit may basag na baso dito?? Stella, pakilinis nga 'to!" sigaw nya.

Psh. Inihagis ko 'yan dahil sa selos.

"Alam mo, Ma. Istorbo ka." sabi ko saka lumingon kay Yazzi na ngayon ay nakayuko. "But, what brings you here?"

"Istorbo na pala ako ngayon." saka sya nagcross arm at lumapit sa akin atsaka nya naman ako piningot.

"Aray, Ma! Mashaket!" bigla kong sigaw.

"Mashaket?? Hahahaha!" gulat na tanong ni Mama saka tumawa.

Mashaket...

"Saan nanggaling yang nasa ulo mo? I mean, what happened? Why do you have that kind of wound? Where did you get that?" tanong ko sa kanya.

"According to my Mom, I got it when I was 7.. That time.. Me and Yas were playing at the playground, until my swing turn upside down and there it goes. I got this." na parang idinedemo nya pa.

"And what will be the right word to describe you?" natatawa kong tanong.

Atsaka nya naman ako hinampas sa braso ko

"Sira ulo, pangit!" sabi nya saka sya bumelat.

"Mashaket, sungit!" daing ko naman.

Wait, what?? Mashaket?? Did I really said that?? Maging sya ay nagulat na parang natatawa.

"Mashaket? Gusto mo pa?"

"Awat na. Hayy! Ano ba yan! Dapat pala iniwan nalang kita dun noh?"

"Iwanan mo na ako. Sanay naman na akong maiwan." pagdadrama nya.

"Oy oy! Anong kadramahan nanaman yan, Sungit?"

"Wala. Pangit!"

Napahawak ako sa ulo ko.

Ano 'yon?? Anong pangyayari 'yon?? Bakit si Yazzi 'yong babae?? At bakit ako... bakit ako 'yong lalaki??

"Hey, son. Bakit? Masakit ba ulo mo?" tanong bigla ni Mama.

Tumingin ako kay Yazzi na gulat din. Gulat at may halong lungkot ang mata nya.

"Hey." pag-agaw ni Mama ng atensyon ko.

"I'm okay, Ma. Don't worry."

"Are you sure?"

Tinignan ko pang muli si Yazzi... bakit pakiramdam ko ay may tinatago ka sa'kin, Yazzi??

"Yes, ma." sabi ko saka ibinalik ang tingin ko sa kanya. "So, bakit ka nga nandito??"

Lumapit sya sa akin saka bumulong. "Wala ka pa bang ipapakilalang babae sa akin?"

Sa gulat ko ay bigla akong napaubo.

"Ma!" suway ko sa kanya.

"At sino nga ulit 'yang secretary mo?" saka nya itinaas-baba ang kilay nya. "Saka, may sinabi nga pala sa akin si Maureen. Ikaw anak, ah? Nagtatago ka na sa'kin. 'Di mo na'ko mahal." saka sya ngumuso.

-.- ang daldal mo, Mau. Lagot ka sa'kin once na magkita tayo.

"Ssh, baka marinig ka nya!" suway ko naman.

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon