Chapter 5

656 24 0
                                    

Chapter 5
Yazzi's POV

Hindi ko maitatanggi. Gumanda nga ako lalo.

"Well, that would make Xyrgian fall for you." sabi ni Jestin habang nasa sasakyan.

"Tito, who's Xyrgian? His name is cool! Wait, is he my father?" tanong naman ni Sky.

Gadd. Dapat 'di nalang binanggit ni Sky ang pangalan ng tatay ni Sky.

"Uhm, yes. He's your father." diretsong sabi ni Jestin nang hindi na ako pinansin.

"Jestin!" sigaw ko naman na nanlalaki parin ang mga mata.

"Why? Dapat nyang malaman 'yon." sabi nya naman.

"Yey! Daddy Xyrgian! I will find my dad!" sigaw naman ni Sky sa tuwa.

Masaya akong nakikita syang masaya. Pero ayokong makita syang umaasa. Umaasang darating ang taong gustong-gusto nyang makita, dahil sa ngayon? Hindi ako sigurado kung magagawa kong maibalik ang mga alaala nila.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Halos lahat ng mga importanteng tao sa akin, nawalan ng alaala. Tanging ako at sarili ko nalang ang kakampi ko. At tanging si Jestin nalang at anak ko ang pinanghahawakan ko.

Nakakapagod din minsan, nakakapagod ang masaktan. Pero dapat paring kayanin, kailangan kong kayanin. Hindi ako susuko. Hindi ako magpapatalo.
            
         
Chizza's POV

"Can't you give me any fvxking informations?!" sigaw ko sa isang matanda.

"Hija, may isang tao na syang bahalang gumawa ng paraan. Hindi dapat ako mangialam." sabi naman nya.

Shit!

Kailangan may malaman ako! Ilang taon nang bumabagabag sa akin 'to!

"Please?" nagmamakaawa ako.

According kasi sa iba ay may isang matanda daw na alam halos lahat ng mga nangyari noon. At heto ako, nahanap sya. Kailangan may malaman ako!

"Gusto kong magsabi, hija. Pero hindi pwede. Ito ang nagsisilbing misyon para sa isang tao. At hindi kailangang may makialam. Sya lang dapat ang makagawa ng paraan." sabi nya saka ako nginitian.

Mukhang wala na akong magagawa. Pero kahit konti lang sanang impormasyon?

"Wala po ba talaga? Kahit konti lang?" pagmamakaawa ko.

"May kinalaman ang mga nangyayari ngayon sa nangyari noon. Isa ka sa mga naging bahagi ng pangyayaring 'yon noon."

Naiyak nalang ako basta nang sabihin ng matanda 'yan.

"Ang hirap. Ang hirap ng parang wala kang kaalam-alam sa mga nangyari noon." napaupo nalang ako.

Tumayo 'yong matanda saka ako hinagod sa likuran.

"Darating din ang panahon, hija. Darating din ang pagkakataon na makakaalala ka na."

Saka ko nadinig ang mga yabag na palayo. Umalis na sya.

Ibig sabihin, nakalimot ako?? Ano bang nangyari noon?? Bakit nakalimot ako??

"Chizza?" saka ako nakarinig ng pagbukas ng pintuan. "Shit! What are you doing there?? And why are you crying??" sigaw ni Jac.

"Ang hirap, Jac. Sobrang hirap." sabi ko saka ko sya niyakap. "Ang hirap ng wala kang maalala. Ang hirap ng parang may hinahanap-hanap ka, ang hirap ng parang may kulang sa puso mo. Ang hirap. Sobrang hirap. Kahit anong gawin kong pagpuno sa kulang sa puso ko hindi ko magawa! Dahil may hinahanap-hanap syang hindi ko alam!" napagahugolgol nalang ako.

"Ssh. I'm here. Lagi lang akong nandito." sabi nya saka hinagod-hagod ang likuran ko.

"Jac, kung alam mo lang ang pakiramdam."

"Alam ko, Chizza. Alam na alam ko kung ano ang pakiramdam." sabi nya na syang ikinatigil ko.

"W-What do you mean?"

"I'm also a part of the past."

O_O

"You're my boyfriend, pero bakit hindi mo nabanggit sa akin 'yan?"

"Kanina ko lang din nalaman. No'ng nakasalubong ko 'yong matanda na galing dito. Natatandaan ko ang mukha nya, pero hindi ko alam kung saan ko sya nakita. Pati ang boses nya, sobrang pamilyar."

"I-Ibig sabihin...—

"May isang grupo ng magkakaibigan, ang naging parte ng mga nangyari noon. At kailangang makumpleto at magsama-samang muli ang mga myembro, para bumalik ang mga alaala ng bawat isa sa atin."

"G-Gano'n lang?"

"Hindi. Kailangan muna nating mabuo ulit ang grupo, at sama-sama nating hahanapin ang paraan."

Well, I guess. It's research time.
          
         
Akisha's POV

I'm back. Matapos ang ilang taon, hindi ko pa rin matuklasan ang mga magiging paraan. Umabot pa ako sa iba't-ibang bansa. Pero wala pa rin, wala pa rin. At ngayon bumalik na ako, dapat malaman na ng iba ang mga nangyari noon... Well, except for CJ. Kasi alam kong hindi sya nakalimot. Maging si Jestin. Si Yazzi, sya lang yata ang hindi nakalimot sa grupo maliban sa akin. Ano nga ba ang dahilan?? Bakit hindi ko nakalimot?? Isa ako sa mga nandoon. Ang lahat ng naganap, klarong-klaro pa sa utak ko. Hinding-hindi ko malilimutan.

Ang libro ng GU, hindi ko na mahanapan. Kahit saan ako maghanap, at kung sino-sino na ang pinaghanap ko ay wala pa rin. Hindi ko pa rin makita. Paano ko malalaman ang dahilan ng pagkawala ng alaala nila?? At tama ba na ipaalam ko sa iba na hindi ako nakalimot?? Dapat ko bang sabihin ang mga nangyari noon?? Oo, may nagtutulak sa akin na magsalita pero... Merong pumipigil sa akin na sinasabi hayaan ko nalang mangyari ang dapat na mangyari. At parang hindi ko magagawan ng paraan para mapabilis ang lahat. Kailangan ko parin sigurong hayaan na may isang tao talaga na makakaalam ng lahat at sya din ang magiging dahilan ng pagbalik ng alaala ng lahat.

"Ma'am, Mr. Califf is outside."

"Papasukin nyo."

Sa wakas, makikita ko na rin si Kuya.

"Good morning." he said.

"Kuya."

Bigla syang natigilan at natulala.

"K-Kuya?" he asked.

"Yes, kuya. It's been a long time. It's so nice to finally see you again."

"Are you taking drugs??" nakangisi nyang tanong.

Alam kong mangyayari na 'to. Na hindi sya maniniwala.

"Here." saka ko inabot sa kanya ang birth certificate ko.

Andoon lahat ng impormasyon tungkol sa akin.

Pero laking pagtataka ko ng hindi nya 'yon kinuha manlang or tinignan.

"Hindi mo na kailangang patunayan. I'm just kidding, sis. Alam kong kapatid kita."

"Kuya."

Mangiyak-ngiyak akong lumapit sa kanya saka sya niyakap.

Pero... Paano nya nalaman?

"Hephep!" inilayo nya ako sa kanya. "May atraso ka pa sa akin! Bakit ngayon ka lang, ha?!"

"Eh, kailangan kong humanap ng paraan—

"Dapat isinama mo ako."

"Sorry na."

Saka nya ako niyakap.

"Walang dapat makaalam na nakakaalala ako. Walang dapat makaalam na may naaalala tayo."

Kinabahan ako sa binulong nya.

A-Anong ibig nyang sabihin??

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon