Chapter 3
Yazzi's POV"I'm home." matamlay kong sabi pagkauwi ko.
Grabe naman kasi, hindi ko ba alam kung bakit sobrang pagod na pagod ako. Siguro dahil... Hindi ako nakakain kaninang lunch? Nakakainis kasi! Ang dami kong iniisip, ni hindi ko nga namalayan na gabi na pala at nagsisialisan na ang mga ka-officemates kong iba.
"Come here!" sigaw ni Jestin mula sa kusina.
Nagpunta nalang ako doon saka naupo, sa harap ko ay may nakahandang mga pagkain.
"Anong meron?" tanong ko kasi ang daming pagkain.
"Darating sila Mama."
"Sinong Mama? Umampon or 'yong tunay?" saka ako kumuha ng juice at uminom.
"Lee." 'yan lang ang sinabi nya na ikinasamid ko.
Shit. Bakit hindi nya sinabi kaagad?!
"Alam ba nilang nandito ako??" I asked.
"Nope."
"Wait, magtatago lang ak—
"JESTIN!!!" biglang sigaw mula sa pintuan.
Oh, God. Eto na.
"Ma!" saka nya pinuntahan sila Tita.
"Oh, who's that lady?"
"Yazzi."
Napalunok ako kasi bigla akong may narinig na yabag na papunta na sa pwesto ko.
"YAZZI!! Nako!! Ang ganda-ganda mo naman!! Anong ginagawa mo dito? Nagsasama na ba kayo ng anak ko?" she asked.
"Ah, h-hindi p—
"Mommy?" biglang labas ng anak ko mula sa kwarto nya.
Biglang nanlaki naman ang mata ni Mrs. Lee nang makita ang anak ko.
"May anak na kayo?!" tanong nya na para bang mahihimatay na, sinalo sya kaagad ni Jestin at pinaupo sa sofa.
"Sky Winter, come here." pinapunta ko si Sky sa akin na nagkukuskos pa ng mata. Nagising siguro, ang ingay kasi ni Mrs. Lee, eh.
"God! May anak na pala kayo, hindi mo sinasabi sa akin!" saka hinampas ni Mrs. Lee si Jestin.
"Ma! Hindi ko anak si Sky." sabi nya.
"Yes, Mrs. Lee. He's not the father of my son." sabat ko naman.
"B-But... Y-You mean...?"
"Yes, hindi po sya lumaki with his father. Alam nyo naman na po ang nangyari sa Green University."
"Pero, sino ang ama nya?"
"Si Xyrgian po. Before the incident, may nangyari po sa amin. And luckily, naka-survive ako sa anak ko. Buti hindi sya napano noong panahong may mga nangyari."
"Mommy, I wanna eat chocolates." biglang sabi ni Sky.
"But, honey. Gabi na. You can eat tomorrow."
"But, Mommy. I want now." saka sya humikab.
"Nah-ah, see? You're already sleepy." binuhat ko sya atsaka dinala sa kama atsaka ako bumalik kila tita.
Naabutan kong parang nalulungkot si Tita. Nalulungkot saan?
"Hija, are you sure that your real mother or your real father don't remember you?" she asked and it hit me.
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Misteri / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino