WARNING! May kakaibang scene!
Chapter 15
Yazzi's POVNapanganga ako nang mabasa ko ang lungkot sa mga mata nya.
'I miss you so much.'
Matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay bumalik ang tingin nya sa mga papeles sa harapan nya..
I miss you so much??
Shit. Halos ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi nya. Pero saya ang nararamdaman ng puso ko. Saya at lungkot, pero mas nangingibabaw ang saya dahil umaasa sya. Umaasa ang puso ko na may naaalala si Xyrgian kaya nya nasabi ang mga katagang iyon. Dahil hindi naman pwedeng sinabi nya lang 'yon dahil na-miss nya ako dahil hindi kami nagkita ng ilang oras?
Pero... bigla kong itinigil ang pag-iisip do'n. Mahirap na, baka mas lalo akong umasa. Ako nanaman ang masasaktan 'pag nagkataon. Itatanong ko nalang sya mamaya. Mas maganda nang malinaw at nanggaling mismo sa bibig nya ang dahilan kung bakit nya nasabi 'yon.
*tok tok tok*
Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang mga katok na iyon. Lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan kung sino man 'yon atsaka binati at kinausap narin.
"Good morning, sir." sabay yuko ko.
"Good morning, I have an appointment with Mr. Gregfila." sabi nya saka tumingin sa kabuoan ko at natigilan sya.
"What's your name, sir?" I asked.
"Frederick. Frederick Martin." sabi nya sabay ngiti.
Martin?? Oh my.
"Oh, Mr. Martin. I-I'm sorry I didn't notice you. Come in, sir." iginiya ko sya papasok atsaka tumingin kay Xyrgian na busy kakatingin sa mga papeles. "Sir, nandito na po si Mr. Martin."
At biglang nag-angat ng tingin si Xyrgian sa amin. Medyo sumama ang tingin nya. Nagulat ako kaya napayuko nalang ako at naupo ulit doon sa upuan ko.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatingin pala sa akin si Mr. Martin, at si Xyrgian naman ay masama ang tingin kay Mr. Martin.
Aish. Selosong manliligaw.
Martin. Isa ang mga Martin sa mga pinakamayaman sa buong Pilipinas. Nangunguna ang Smith, pumapangalawa ang Gregfila at Martin ang sunod.
Umubo si Xyrgian para maagaw ang atensyon ni Mr. Martin. Psh.
"Oh, good morning." bati ni Sir Martin saka lumapit kay Xyrgian.
"Mm. Morning." saka ibinalik sa mga papeles ang tingin at muling kinalikot ang mga 'yon.
"I'm here because Mr. Fernando Martin wants to talk to you about the-
"If it's about the partnership... I'm sorry to say but the Smith's Company got me first." sabi ni Xyrgian.
What?! Bakit hindi ko alam 'yon??
"What??" gulat na tanong ni Sir Martin. "Then why didn't you inform us?? They even prepared a dinner for us to talk about our business partnership!"
"I'm sorry, Mr. Martin. I forgot about your partnership request-
"You- what?! You forgot?! This is not fair."
"Ms. Yazzi." tawag sa akin ni Xyrgian. "Please read number seven for me."
Tumango nalang ako saka kinuha ang isang folder na naglalaman ng kailangan ng kompanyang ito.
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino