Chapter 36

532 18 1
                                    

Chapter 36
Yazzi's POV

Napamulat ako nang maramdaman na may humahaplos sa pisngi ko. At nanlaki ang mga mata ko nang may mannequin sa harapan ko.

"MMM!" sigaw ko dahil sa gulat.

Nakatali ako ngayon sa isang upuan, ang kamay at paa ko ay talagang taling-tali. Maging ang bibig ko ay tinakpan ng plaster.

At hindi na ako nagtaka sa kung sino ang nakita ko matapos magpalit ng anyo ang mannequin.

"Hi, Yazzi. Good evening." bati nya.

Shett! Gabi na?? Nasaan na sila Xyrgian?? Bakit ang tagal nila??

"MMM!"

"Kahit sumigaw ka nang sumigaw walang makakarinig sa'yo." saka sya ngumisi.

May dumating na isa pang lalaki, mukhang eto 'yong kapatid nya.

"Tama nga ang hinala natin, nandoon sila sa hideout natin. Mukhang naghanda sila." sabi ng kapatid nya.

I-Ibig sabihin, wala kami sa hideout nila?? Shett.

Ang tanga-tanga mo, Yazzi!

"Akala nila maiisahan nila tayo??" bumaling ang tingin nya sa akin. "Tss, mali kayo ng akala. Dahil nagplaplano pa lang kayo, naka-plano na ang lahat sa amin."

Inilagay ko lang ang sarili ko sa kapahamakan. Paano na ang anak ko?? Nangako kami na babalik kami. Sana hindi pa huli ang lahat.

"Bakit ka nga ba nadadamay dito, Yazzi?? Kung tutuusin ay si Xyrgian lang naman ang may kagagawan ng lahat??" tanong nya saka ako hinaplos sa mukha pero inilihis ko ang mukha ko. "Kung sabagay, ikaw nga pala ang pinakamahalagang babae sa kanya."

Nagkakamali ka, dahil ang nanay nya ang pinakamahalaga sa buhay nya. Mahal na mahal nya ang nanay nya.

"Ano kayang mangyayari sa'yo ngayon?" tanong nya pa.

Napairap nalang ako.

"Tuluyan mo na." sabi bigla ng kapatid nya kaya biglang nanlaki ang mga mata ko.

No. No, no, no. Hindi pwede! Hindi ako pwedeng mamatay!

"No! I won't do that." sabi naman ni Fred kaya parang nabunutan ako ng tinik.

"Eh, anong balak mo sa kanya?"

"Pupunta ako ng Spain, and I'll bring her with me."

Nagulat ako sa sinabi nya, at napaigtad ako nang bigla nya akong hawakan para patayuin.

"MMM!!!" sigaw ko pa ulit habang umiiling.

"Prepare the Private Plane, we'll go to Spain after an hour." bilin nya sa kapatid nya.

No, please. Hindi pwede..

Patuloy akong kumakawala sa paghila nya sa akin, pero sadyang malakas ata ang isang 'to kaya nahila nya ako palabas ng gate.

At tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makita ko silang lahat doon.

"W-What the fvxk are you all doing here??" sigaw ni Fred.

"Don't hurt my mommy!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng anak ko, at doon ko lang nakita na kasama sya ni Papa. And papa mouthed 'I'm sorry'.

Bakit nya sinama dito si Sky?? No! Hindi pwedeng mapahamak ang anak ko!

"Get your hands off my girlfriend or else I'll kill you!" sigaw ni Xyrgian. "Now I know who you are, Martin. You are a part of that Dark Group."

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon