Chapter 30
Yazzi's POVNanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko.
People can be forgotten, but our heart can always find a way to remember.
Bigla akong kinabahan.. 'yon, 'yon talaga ang dapat gawin kong paraan.
"At ngayong alam ko kung anong nangyari sa anak ko nang dahil sa kanila, sisiguraduhin kong hindi na sila mabubuhay pa sa mundong ito." sabi nya sabay tayo.
Tumayo narin ako, syempre. Tss.
"Don't. Mapapahamak ka lang kung susubukan mo silang patayin. There's something that they drank that will last for one month. Hanggat hindi natatapos ang isang buwan, hindi mo sila mapapatay."
"I know what to do. Nananahimik lang ako kanina dahil may nag-flash na panibagong pangyayari sa isip ko. Gumagawa ako ng pangontra sa potion na ako din ang may gawa."
O_O
What the hell?!!
Should I bring him to the black door?? Balita ko kasi, maayos pa 'yon.. pero inilalayo sa mga estudyante.
"Tara, may pupuntahan tayo." saka ko pinangunahan ang paglalakad.
***
"Teka, pamilyar 'to." sabi nya.
I entered the new password and then when it opened, nagulat ako dahil napakalinis no'n. Sino kayang naglilinis dito??
"Wow." 'yan nalang ang nasabi ko.
"What are we going to do here?" tanong nya.
"May ipapakita ako sa'yo."
Saka ko sya hinawakan sa braso at hinila papunta sa laboratory.
At sa hindi inaasahan, may natagpuan kaming nakatayo doon na abala sa kanyang ginagawa.
"Inaasahan ko ang pagdating nyo ngayon." pinatay nya ang isang makina saka humarap sa amin. "Kamusta?"
Nagulat naman ako sa taong nakatayo sa harapan ko... h-hindi ko 'to inaasahan. Buhay pa pala sya??
"E-Ellie.." gulat kong sambit.
"Oo, ako nga. Nakakagulat ba?" tinanggal nya yung lab gown nya saka naupo sa isang couch.
"Sino sya?" tanong ni Xyrgian sa akin saka ako hinawakan sa braso.
Kasasabi pa nga lang ng pangalan, psh.
"Nice to see you again, Siete. Balita ko nakalimot ka daw?" tanong naman ni Ellie.
"Wh—
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Baka magkainitan pa 'tong dalawang 'to, mahirap na.
"Well, etong buong room na 'to ay hindi kasama sa mga gumuho at alam kong alam mo 'yan. Nanatili ako dito ng higit limang taon, pero hindi ako pinabayaan ni Cres. Tinustusan ni Cres lahat ng pangangailangan ko at ang kapalit no'n ay mananatili ako dito at hindi aalis. Pumayag ako, wala na din kasi akong mapupuntahan." sabi nya saka tumayo at humarap sa aming dalawa ni Xyrgian at ipinakita ang isang papel. "I am a scientist now."
Napanganga nalang ako, hindi makapaniwala.
"Kung inaalala nyo ang nakaraan natin at ang galit ko sa inyo, kalimutan nyo na 'yon dahil matagal ko nang nakalimutan ang lahat ng 'yon."
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino