Chapter 37

565 17 2
                                    

Chapter 37
Yazzi's POV

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang nakaupo sa sahig at nakayakap sa sarili kong mga tuhod habang hinihintay matapos ang pagtanggal ng mga bala sa katawan ni Xyrgian.

"Mommy, don't cry na please." pakiusap ni Sky na naiiyak narin pero pinipigilan nya.

I should stop crying, hindi magandang maapektuhan si Sky dahil hindi pa sya gano'n kagaling. Nagpapasalamat nalang ako dahil hindi sya napano, pero nag-aalala pa rin ako para kay Xyrgian..

"Ssh, baby.. Hindi na ako iiyak, promise."

"Daddy will be okay, mommy. Don't worry." sabay yakap nya sa'kin.

Oh, God. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko, napatingala nalang ako nang maramdaman kong may tumulo na namang luha.

"Where's my son??" rinig kong tanong ni Madam T na kararating lang.

"The bad guy is the one who shot my daddy, lola. But I know that my Dad will be okay so don't worry." saka nya nilapitan ang lola nya at nagpabuhat.

Napatingin naman ako sa likod ni Madam.

"Ma." nanubig na naman ang mga mata ko nang ibuka nya ang braso nya para sa akin, para yakapin ako.

"Everything will be okay, Yazzi." saka nya hinaplos ang buhok ko, kasabay no'n ay parang nahaplos din ang puso ko.

"I miss you, Ma."

"I miss you too, anak. Please forgive me, forgive us." sabi nya pa saka mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin.

"Wala kayong kasalanan, Ma. It's me who should be sorry."

"Nak, tapos na 'yon. Let's just forget all about the past, okay? I love you."

"I love you too, Ma."

Saka naramdaman kong may kumakalabit sa akin, it's Sky.

"Is she an another lola of mine, mommy?" tanong nya.

Napangiti nalang ako sa tono ng pagkakatanong nya at sa itsura nyang walang kaalam-alam.

"Yes, baby. She's my mom and she's your lola." sabi ko sa kanya saka ginulo ang buhok nya.

"Annyeong, halmeoni!" saka sya yumakap kay Mama.

"Annyeong, jal jinaess-eo yo?" tanong naman sa kanya ni Mama.

"Naneun gwaenchanh-a?"

"Ne, gwaenchanh-a."

Hinayaan ko muna si Sky sa dalawa nyang lola at nilapitan sila Chizza, pero si Jac muna ang kinausap ko sa kanila.

"Kamusta kayo? Naayos nyo na bang dalawa 'yong tungkol sa relasyon nyo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa namin napag-uusapan, eh."

"Halata nga, eh. Sa distansya nyo pa lang ngayon sa isa't isa, alam kong hindi pa kayo maayos. Pero kailangan nyong pag-usapan 'yan, ha?" sabay tapik ko sa kanya sa braso nya.

"Bakit ka ganyan?" tanong nya pa habang seryosong nakatingin sa akin.

"A-Anong ganyan?" nagtataka kong tanong.

"Ganyan. Kahit na nasasaktan ka na, ang tapang-tapang mo pa rin. Hindi ka sumusuko. Bakit ang tatag mo?" tanong nya, nakita ko ang kakaibang sakit at lungkot sa mata nya. Napansin ata 'yon ni Akisha kaya lumapit din sya sa amin. "Nasasaktan kami kapag nakikita ka namin na nasasaktan. Pero ikaw, ikaw na mismong nasasaktan parang wala lang sa'yo. Lumalaban ka pa rin at ang tatag mo."

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon