Chapter 35

570 23 10
                                    

Chapter 35
Yazzi's POV

"Mommy, stay here for one more day please?" pagmamakaawa ni Sky.

"Sky, meron akong trabaho sa Pilipinas. I thought you understand?" malungkot kong sabi.

Hindi ko kayang tiisin ang anak ko, pero kailangan.

"Pero kararating mo lang po kanina tapos aalis ka na agad?"

"Gano'n talaga, anak. Don't worry. Wait for us, babalik kami dito ni daddy, okay? We will just finish what we've started." saka ko ginulo ang buhok nya.

"Fine, mom. Just be back. I'll just give you 7 days." he said.

Napatingin naman ako kay Xyrgian, trying to ask kung kakayanin ba namin ang 7 days lang. Tumango lang sya bilang sagot saka ngumiti.

"We will be back after 7 days. Noted, son." saka nya binuhat si Sky.

Natawa ako bigla nang mag-pout si Sky na sinundan din ni Xyrgian na nag-pout.

"Oh, 'di ba? Mag-kamukhang magkamukha." sabi ni Xyrgian.

Saka bigla silang nag-pogi sign. Mga adik.

"Oo na, oo na. Kayo na ang magka-mukha. Hug nga garod, daddy and baby." saka ko ibinuka ang braso ko.

Ibinaba nya muna si Sky saka sabay silang napatakbo papunta sa pwesto ko atsaka ako niyakap.

"Wait, stay still." biglang sabi ni Papa na sumulpot nalang bigla na may dala-dalang camera. Napatingin tuloy kaming tatlo sa kanya. "1, 2, 3... click! Perfect!"

Natawa nalang kami. Pero hindi pa rin nagpapaawat si Papa, pinakuhanan nya kaming apat kay Manang Jing ng litrato.

"Great!" sigaw pa ni Papa.

Haayy. Ang saya pala. Parang ayoko nang umalis dito, pero kailangan. Kailangan naming tapusin ang misyon na 'to.

Pero ano nga ba ang ipinaglalaban namin? Ano bang dahilan kung bakit patuloy pa kaming lumalaban at pilit na hinahanapan ng solusyon ang isang bagay na maaari nalang naming ipagsawalang bahala? Pwedeng... hindi naman talaga big deal ang nangyayari. Pero para sa amin, sa oras na pasukin mo ang buhay ng nananahimik.. buhay mo din ay hindi matatahimik.

We will fight for our family, for our happiness and for the sake of ourselves. We won't allow anybody to ruin our lives. We are born to be happy and to be contented, we are born to be loved. We aren't born just for them to make our life miserable, so we'll do everything for them not to success. Gaja!

***

"Finally, you're here." bungad sa akin ni Frederick Martin.

"Yeah, I'm here." walang gana kong sagot.

"So, how's your sleep?" todo ngiti ang g*go ang sarap bunutan ng mga ngipin, eh.

Napairap nalang ako nang hindi lang bibig ang nakangiti sa kanya kundi 'yong mga mata nyang hinuhuli ang tingin ko. Nakakadiri.

"Paano ko malalaman, eh tulog nga ako? Tanga lang?" prangka kong sabi.

Nakakainis kasi. Saka hindi rin naman ako nandito para mag-trabaho. Masyado 'tong nakakainis. Hayy, ewan ko kung bakit ang init ng dugo ko pagdating sa kanya.

"You're funny." mas lumapad ang ngiti nya ngayon.

Shett, parang kang asong nauulol.

Gusto ko mang sabihin sa kanya 'yan ay hindi ko na itinuloy. Mahirap na.

"So, let's start?" tatayo na sana sya pero napigilan sya ng mga sinabi ko.

Lethe (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon