Chapter 12
Yazzi's POV"I came here to say sorry." sabi nya.
Itinago ko 'yong braso kong sinugatan ko. Pati ang espada ay naihagis ko pala nang hindi ko namamalayan. Siguro ay dahil sa gulat.
"Okay. You may now leave." ma-awtoridad kong sabi.
Teka? Bakit nga ba nagsosorry 'to?
"That's it?" taka nyang tanong.
"Eh, ano pa bang gusto mong marinig? Sir...?" nakangisi kong tanong.
Napa-buntong hininga sya. Hindi siguro makapaniwala.
"Again, I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon."
"Hindi mo alam?? Wow. Patawa ka. 'Di ba't ikaw na rin 'yong nagsabi na kahit lasing ka ay alam mo ang ginagawa mo??"
"That's not what I mean..." tumingin sya sa ibang direksyon atsaka napabuntong-hininga nanaman. At ibinalik sa akin ang tingin. "Please 'wag kang magreresign."
Nagulat naman ako.
"Sino bang may sabi na magreresign ako?"
"Wala. Pero... baka dahil sa nagawa ko ay mag-resign ka."
Mm.. Bakit ganito kaya sya? 'Di nya ugali ang ganito...
"Mr. Gregfila, as far as I know ay hindi ka ganito sa kahit kanino. Sa pagkakaalam ko ay mataas ang pride mo pagdating sa mga ganito. Pero bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin at ang dali mong humingi ng tawad?"
"Kasi seryoso ako sa'yo."
Natigil ako sa sinabi nya. Muling bumilis ang tibok ng puso ko.
"Seryoso ka sa secretary mo?" saka ako tumawa in a sarcatic way. "Akala ko ba ay secretary mo lang ako at boss kita? Akala ko ba ay hanggang doon lang? Pero bakit... ang bilis mo namang lumambot, sir?"
"I actually didn't mean to say that to you that time. Masyado lang talagang okupado ang isip ko. Atsaka kailangan kong sabihin 'yon dahil tulad ng kahapon, ay baka iba na ang nagawa ko sa'yo. Baka lumagpas na ako sa limitasyon 'pag nagkataon."
Pero hindi ko sya maintindihan.
"Bakit mo 'to sinasabi? Anong intensyon mo?"
Hindi nya hahanapin ang lugar na'to para lang mag-sorry. At hindi sya magsosorry ng gano'n kung wala syang gustong iparating. At hindi sya magtatapat ngayon sa akin kung wala syang ibig na sabihin.
"I wanna court you."
Ako ang nagplano na akitin sya hanggang sa mahulog sya sa akin. Pero bakit... bakit sya?? Itinigil ko ang plano ko para go with the flow nalang. Bahala na kung mapaibig ko sya. Pero bakit sya? Bakit nya 'to ginagawa? Bakit sya nagkaroon ng nararamdam sa akin? Hindi naman sa ayaw ko, pero... bakit parang ang bilis?
"Matagal ko nang nararamdaman 'to, Yazzi. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob na sabihin sa'yo 'to. Ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas na loob para sabihin na gusto kitang ligawan."
Natahimik sandali.
"Bakit?" pambasag ko sa katahimikan.
"Anong bakit?"
"Bakit ako?"
"Bakit hindi?"
Shit.
"Wala namang pinipili ang pag-ibig, 'di ba? Hindi din pinipili ang pag-ibig, Yazzi. Kaya bakit hindi pwedeng ikaw?" makahulugang sabi nya. At kita ko naman ang sinseridad sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Lethe (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPeople can be forgotten, but our heart can always find a way to remember. Book 2 of Green University Story Cover by Yazmin Tagarino