CHAPTER ONE

5.3K 140 13
                                    

CHAPTER ONE

JAJA'S POV

Halos mabaliktad na yung kwarto ko dahil sa kakahanap sa bagay na yun.

Sa toilet bowl, wala. Sa anerola, wala. Sa trash can, wala. Sa ref, wala. Sa oven, wala. Sa loob ng sapatos ko, wala. Sa underwear cabinet ko, wala. (HAHA. WAGAS XD)

WAAAAAAHHHH!!! Asan na ba yuuuuunnnn???

"Maaaa! Di ko pa rin makita!", sigaw ko nang ubod-lakas para naman marinig ni mama na kasalukuyang nagluluto sa kusina.

"Aba'y ewan ko sayo Jaja anak!", sabi lang niya na pasigaw rin.

Halos magwala na ako. Waaaahhh! Hindi pwedeng mawala yun, eh. Ten years ko nang tinatago yun, eh. Ten years ko nang iniingat-ingatan yun.

Asan na ba kasi yung painting na yun? T.T Yung painting na gawa ko ten years ago nung 9 years old pa lang ako. Huhuhu. Yung regalo ko sana sa bestfriend kong si Se-- Ahy. Nevermind. Nevermind. Nevermind.

Basta. Painting yun. Painting. T.T

Tapos, bigla kong naalala na pumasok nga pala si Grey, five-year old brother ko, dito sa kwarto ko kanina. OH MY. OH MY. OH MY.

"GREEEEEEEYYYYYYYYYY!!!!", tawag ko sa kanya habang mabilis na binababa ang hagdan. At dahil sa pagmamadali ko, hindi ko nakita ang nakaharang na maliit na stuffed toy ni Grey kaya naapakan ko ito at sumemplang ako patungo sa sahig. Una mukha. ARAY. T.T

"Ate, okay ka lang ba?", may biglang nagtanong sa akin nun. At base sa cute na boses, si Grey yun. Tiningnan ko siya habang yakap-yakap ang teddy bear na bigay ko sa kanya nung birthday niya.

Dahan-dahan akong tumayo kahit masakit pa talaga yung balakang at mukha ko. Lumuhod ako sa harap niya. Pero bago pa ako makapagsalita, inunahan na ako ni Grey. "Ate, may bruise ka na po sa may pisngi niyo.", sabi niya sabay tawa.

Shets. Kaya pala masakit na. Nagkapasa na pala. Nakuuu kung hindi lang talaga cute tong kapatid kong to, napektusan ko na. Dejokelungss. XD

"Hayaan mo na...", simula ko. "Uhm, Grey... may nakita ka bang painting sa kwarto ni ate Jaja kanina?"

Umakto siyang nag-iisip tapos itinaas niya yung index finger niya tsaka ngumiti. Hangkyuuut naman ng kapatid ko. :)))

Pero... pero ibig sabihin ba alam niya kung nasaan yung painting?

"Nakita mo, Grey?", tanong ko ulit.

"Oo, ate." Napasinghap ako sa narinig. BUT. "Andun po kay Kat, binigay ko po."

"WHAAAATTT???!!!!" WATDAHEL. WATDAFAK.

Si Kat ho ay ang kapitbahay naming crush kuno ng kapatid kong to.

Mabilis kong nilipad (choss) ang bahay nila Kat. Mabuti na lamang at ibinalik agad ito ng mommy niya.  Phew! Muntik na yun. Itong kapatid kong talaga, oh. Ang bata-bata pa pero may pacrush-crush na. He's five years old, for cryin' out loud! Nadamay pa tuloy tong painting ko. Charots. XD

**

Hawak-hawak ko yung painting ko nang umupo ako sa harap ng salamin ng kwarto ko.

Hayyy, Sehun. Bakit mo ko iniwan?

Si Sehun ang natatangi (choss) kong childhood bestfriend nun. Nasa uterus pa lang kami ng mga mommy namin, bestfriends na talaga kami. As in. Huwag kayong tumawa, hindi ako nagjo-joke Lol.

Tinitigan ko yung painting. Ampangit-pangit ng pagkakapaint dahil nga bata pa ko nung ginawa ko to pero sobrang halaga nito sa akin. Ewan ko kung bakit. Basta. Siguro naghihintay pa rin akong babalikan niya ako. Siguro umaasa pa rin akong babalik siya at maibibigay ko pa rin to sa kanya.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon