CHAPTER ELEVEN
JAJA'S POV"Ang angas naman ng mukha ng Sehun na yun." Nabigla naman ako nang bigla yung sabihin ni SJ matapos kaming pumasok pabalik sa unit ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ha? Anyare sayo?"
He glared at me at pagkatapos ay pumasok na sa kwarto ko.
Haluuh? Anyare dun? Inano ni Sehun yun at biglang nabadtrip?
Naalala ko naman bigla si Grey.
Tiningnan ko siya at iginiya siya patungo sa sofa at pareho kaming umupo doon.
Haaay. Minsan talaga ang kulit-kulit netong kapatid ko.
"Grey?"
Tumingala siya at tumingin sa akin. "Po?"
Ngumiti ako. "Sa susunod, huwag mo nang gagawin yun, ah? Pinag-alala mo kami ni kuya SJ mo, eh."
Ngumiti naman siya. Eeeh. Sarap kurutin. "Gusto ko lang pong makipaglaro po ng basketball kay kuya Kris po, eh. Kasi sabi mo po magaling po siya."
Ginulo ko ang buhok niya. "Busy si Kuya Kris, Grey, eh. May trabaho kasi siya. Siguro next time nalang, okay?"
"Ah, ganun po ba? Sayang naman po, ate." Lumungkot naman ang mukha niya.
Ayoko namang malungkot si Grey, syempre. "Hayaan mo, baka sa susunod di na busy si kuya Kris. Baka pwede na kayong maglaro, okay?"
He giggled and hugged me right away. "Okay po, ate Jaja."
Tapos may naalala na naman ako. Oo nga pala. Yung muntikan nang pagbuking ni Grey sa painting ko kay Sehun!
"Uhm... Grey?"
"Hmmm, ate?"
"Sa susunod, huwag mo nang sabihin kay kuya Sehun yung tungkol sa painting, ah?", sabi ko habang inaayos ko naman ang buhok niya. Wow. Anggulo ko lang. Kanina ginulo ko, ngayon inaayos ko naman. Parang sira lang. XD
"Bakit po, ate? Hindi ho ba si kuya Sehun yung nasa painting mo?" Echuserang froggy talaga ang kapatid ko, eh.
"Uhm... hindi.", pagsisinungaling ko. "Hindi si kuya Sehun yun."
"Ah ganoon po ba."
"Oo, huwag mo na ulit banggitin sa kanya yung painting, ah? Promise mo kay ate yan, ah?", sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.
Tumango siya. "Opo, ate."
"Grey! Halika dito! May lalaruin tayo!" Napalingon namin kami pareho sa kwarto nang bigla siyang tinawag ni SJ.
"Sige na, puntahan mo na si kuya.", sabi ko at tinulungan siyang bumaba ng sofa.
Mabilis naman siyang tumakbo at pumasok na sa kwarto.
Napangiti nalang ako.
Tumayo na ako para sana bumalik sa kusina at tapusin ang naudlot kong paghuhugas ng pinggan dahil kay Grey nang biglang tumunog yung door bell.
Eh? Who is it this time?
Nakakabingi yung tuluy-tuloy na pag-ring nung door bell. Wow, ah? Adik sa door bell? Ganun? Parang sira-ulo lang ang peg ng tao sa labas, eh. -_-
"Andyan na! Andyan na!", inis na sigaw ko. Sino ba yan?
Pinunasan ko ang mga kamay ko at mabilis na tumakbo patungo sa pinto.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang pagbukas ko ng pinto, ay nakita ko ang pagmumukha ni Sehun.
Eh? Kaya pala parang ewan yung door bell. Ang busangot prince pala ang nagri-ring. -_-
![](https://img.wattpad.com/cover/16702969-288-k302161.jpg)