CHAPTER FOUR

3.8K 108 10
                                    

CHAPTER FOUR

JAJA'S POV

"Cheer up, Ja. Ngiti naman dyan." Siniko pa ako ni SJ habang sinasabi yun sa akin.

Inukulan ko lang siya ng tinging nagsasabing okay lang ako kahit hindi naman talaga. Dalawang araw na yung lumipas mula nang mangyari yun.

"Sige na, ngiti na."

Pinagbigyan ko siya. Ngumiti ako. Pero yung mapaklang ngiti lang yung na-afford ko. "Ayan na. Ngumiti na ako kaya tumahimik ka na bago pa kita batukan dyan. Ang kulit mo talaga."

"Ganun? Concern lang ako, Ja. Hindi ako makulit." Umakto siyang nagtatampo kaya napatawa nalang ako.

Napaisip ako habang tinitingnan ang masarap kutusan na pagmumukha ni SJ. Hehe. Dejokelang. XD Naisip ko, sa halip na nagiging bitter ang buhay ko dahil kay Sehun, bakit hindi nalang ako magpasalamat sa Diyos kasi binigyan niya ako ng isang bestfriend ngayon na katulad ni SJ? Gwapo na, caring at thoughtful pa! Kahit makulit minsan, mahal na mahal naman ako nito.

"H-hoy! Ew! Ew!", pag-iinarte niya nang bigla ko siyang yakapin. Hehe. Feel ko siyang yakapin, eh. "H-hoy! Ew! Ba't mo ko niyayakap?" Shet lang. Kung kailan ako nagiging sweet sa kanya, tsaka naman siya mag-iinarte.

"Salamat, SJ, ah. The best ka talaga kahit ikaw na ang pinakaplayboy na lalaking nakilala ko.", sabi ko. Hehe. At talagang sinama pa yung pagiging playboy niya noh. XD

Naramdaman ko naman na yumakap siya pabalik. Much better.

Hugs can make you feel better, really.

**

Agad akong bumaba sa motor ni SJ nang nasa harap na kami ng bahay. Malamang. XD

"Sure kang di ka na papasok?", tanong ko ulit sa kanya. Kanina ko pa siya pinipilit na pumasok muna sa bahay, eh. Ipagluluto ko siya.

Umakto siyang nag-iisip. "Sige na nga."

Tinanggal niya yung helmet at ipinark nang maayos yung motor. Panay lang ang kulitan namin habang naglalakad papasok ng bahay.

"Ma! Andito na ako! Kasama ko si SJ!", sigaw ko habang pumapasok pa para malaman ni mama na andito na ako.

Walang sumagot.

"Ma? Andito n--"

Napatigil kami ni SJ sa pagpasok sa bahay nang mapansin naming may mga bisita sa sala. Isang babae at lalaki.

At napahawak ako ng mahigpit sa braso ni SJ nang makilala ko ang mukha ng lalaking masamang nakatingin sa akin.

Shit.

"Si Jaja na ba yan, Jannah?" Nagsalita yung babae sabay tayo at lapit sa akin.

Tita Sarah?

Hinawakan niya ang mukha ko. "Hija, you're all grown up now! Ang ganda-ganda mo, Jaja.", sabi niya at pagkatapos ay humalik sa pisngi ko.

Si Tita Sarah ang mama ni Sehun.

"G-good evening po, tita...", sabi ko nalang.

Lumapit na  rin si mama sa amin at inimbitahan kaming umupo na rin sa sala. Pati si SJ.

Hindi ako mapakali kasi kaharap ko si Sehun na parang hindi ako nakikita ngayon. Komportableng-komportable siya sa itsura niya.

"Pinalaki mo nang mabuti si Jaja, Jannah.", sabi na naman ni tita Sarah.

Ngumiti si mama. "Salamat, Sarah. Ganun din si Sehun."

I saw him shrugged when my mom said that.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon