PROLOGUE
"Ma, pupunta ho ako kina Sehun, ah. Dadalhin ko lang po to sa kanya tong painting na ginawa ko. Birthday niya ho kasi ngayon, eh.", nine-year old Jaja said to her mom as she held in her hands a medium-sized canvas.
Silang dalawa ng bestfriend niyang si Sehun ang naka-paint sa nasabing canvas. May nakalagay pa ritong 'Happy 10th Birthday Bestfriend Sese!'
Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ng anak niya, lumungkot lamang ang mukha ng Mommy Jannah niya.
Lumuhod siya sa harap ng nakangiting anak. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang tungkol sa bestfriend nito.
"Uhm... anak... may sasabihin si Mommy, ah... wag kang magugulat..." Naramdaman naman ng murang isip ni Jaja na may di-magandang sasabihin ang mommy niya. "Uhm... umalis na kanina sila Sehun, anak. Hindi nila sinabi kung saan sila pupunta."
"Po? Mamayang gabi pa ho ba ang balik nila? Eh di mamayang gabi ko nalang ho to ibibigay sa kanya."
Hindi naiintindihan ng anak niya ang ibig niyang sabihin kaya minabuti niyang diretsuhin ito.
"Hindi na sila babalik, anak. Lumipat na sila sa malayong lugar. Iniwan ka na ni Sehun."
Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Jaja at mabilis na tumakbo palabas ng bahay nila habang mahigpit na hinahawakan ang pinaghirapan niyang painting.
"Hindi! Hindi ako iniwan ni Sese!", sigaw niya habang umiiyak at tumatakbo patungo sa bahay ng bestfriend.
Hindi pwede! Kahapon lang ay masaya pa silang naglalaro!
Nang marating niya ang bahay nito, malakas niyang kinabog ang pinto ng bahay nito. "Sehun! Sehun!"
Tawag lang siya nang tawag sa pangalan nito pero walang Sehun na lumabas o sumagot man sa pagtawag niya.
Iniwan na nga siya ng bestfriend niya.
-DoChaRis
Ito muna ang ipopost ko. :)
Sa lahat ng readers, may bago akong ongoing fanfic. Euphoria yung title. I am hoping you are going to read it. Lots of love! PS, that is a fanfic of COLE SPROUSE. So if you're a fan, read it NOW! 💓