CHAPTER EIGHTEEN

3.2K 97 15
                                    

CHAPTER EIGHTEEN
SJ'S POV

*tok! tok! tok!

*tok! tok! tok!

Mula sa napakababaw na pagtulog, nagising ako bigla sa katok na yun.

Aaaiiissh. Sino ba tong nambubulabog ng sobrang aga?!

Hindi ko binuka ang mga mata ko dahil gusto kong makatulog ulit.

*tok! tok! tok!

Napamura ako nang malutong sa utak ko.

Huta!

Binuka ko ng konti ang mga mata ko at diretsong sa maliit na alarm clock ito napunta.

4:57 am?!

Sino namang loko ang kakatok sa oras na to?!

Napamura ulit ako dahil sobrang sakit ng ulo ko.

Alas dos ng madaling araw na ako nakatulog kagabi dahil tinapos ko pa yung painting na in-order ng isang mayamang intsik para sa bagong bahay niya.

Sobrang sakit ng mata at ulo ko kaya naman mapapatay ko ang taong kumakatok sa pinto ko ngayon at ginising ako ng ganito kaaga.

*tok! tok! tok!

"Aaaaggghhh!", sigaw ko sabay tapon sa unan. Hindi ko na alam kung saan napunta yun.

Peste naman oh! Ganito kaaga, sira na agad ang araw ko!

*tok! tok! tok!

Padabog akong bumangon at napatulala na lamang habang nakaupo sa kama at nasa mukha ang parehong palad.

Tumunong muli ang doorbell at wala na akong nagawa kundi ang tumayo at buksan yung pinto sa baba.

Siguraduhin lang ng taong to na importante ang pakay niya sa akin dahil kung hindi, gagawin ko siyang almusal.

Pasensya na kayo kung ang pangit ng ugali ko ngayon, sadyang wala lang talaga akong tulog.

Bumaba na ako ng hagdan.

*tok! tok! tok!

Di makapag-antay? Hot na hot lang? Di masyadong atat?

"Andyan na! Huwag mo namang sirain yung doorbell ko!", sigaw ko.

Pinihit ko na yung doorbell at dahan-dahang binuksan ang pinto at...

Nagulat naman ako sa taong bumulaga sa akin kaya nawala lahat ng antok sa katawan ko.

What the...

"Jaja?!"

Anong ginagawa niya dito?

Hindi siya gumalaw. Nakatingin lang siya sa akin. Biglang ngumiti nang mapait.

Nagulat pa rin ako kaya naman hindi rin ako gumalaw.

"SJ...", sambit niya at nabigla ako nang biglang pumiyok ang boses niya. Kasabay nun ay ang pagtulo ng luha mula sa kaliwang mata niya.

Binitawan niya ang dalang maleta kaya naman pabagsak at natumba ito sa may two-step stairs ko sa may pintuan.

Bakit umiiyak ang babaeng to?

"Anong nangyari?", tanong ko pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko, humakbang siya at mabilis na pinulupot ang mga braso sa katawan ko.

Kasunod nun ay ang sunud-sunod na paghikbi niya.

***

JAJA'S POV

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon