CHAPTER TWENTY-SEVEN
JAJA'S POVTwo months later...
"Kyaaaaaahhh~ Kalungkot naman... tapos na ang Overdose era nilaaaa... Maghihintay na naman tayo ng comeback netoooooo~~ Huwaaaaahhhh~~"
Di ko mapigilang mapailing dahil sa mga naririnig ko mula sa mga babaeng klarung-klarong fangirls ng EXO na nakaupo sa likuran ko lang dito sa cafeteria.
Dalawang buwan na rin ang nakalipas...
"Waaaahhh~~ Wanmelyon years na naman hihintayin natin para makita ulit ang mga asawa natiiin... Kyaahhhh~~"
"Grabe talaga ang tama ng mga babaeng yan sa EXO."
Doon ko lang naalalang magkatabi pala kami ni SJ.
Tumawa ako nang mapakla. "Oo nga, eh. Die-hard.", sabi ko at agad ininom ang natitirang soda ko.
Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang magsimula ang klase at dahil sa nangyari dalawang buwan ang nakalipas, eh instant celebrity ako dito sa school.
Instant fans na mga schoolmates at syempre, di sila nawawala, mga haters.
My social media accounts, if you'll gonna ask me is really chaotic! Yung instagram ko, 500K followers na; yung Twitter ko naman, 300K na. Yung facebook ko, ang damiiiiiing nagpi-PM na hutaena lang eh nakaka-crash na ng browser ko! Jusko, tapos kung makapag-message at makapag-comment ang mga people eh wagas!
Pero wala akong pakialam dahil hindi ko naman sila pinapatulan. I'm just living my life like how I used to live it before EXO became a part of it. Yung parang wala lang nangyari, yung tipong pa-cool lang.
Laking pasasalamat ko naman ngayon dahil humuhupa na ang mga ka-ekekan ng mga tao tungkol sa akin. Wala na masyadong hassle. Kasi syempre nga, di ko naman talaga pinapatulan. Siguro rin nainip na sila kaya unti-unti na nila akong nilulubayan. Hindi naman kasi talaga ako artista for cryin' out loud!
"Ang lalim ng iniisip, ah?"
Ahy. Oo nga.
"Puyat lang ako.", sabi ko.
Biglang nag-ring yung bell hudyat na ala una na ng hapon.
"Klase na pala natin, Ja. Tara.", sabi ni SJ sabay tayo at kuha ng mga libro naming dalawa. Siya kasi talaga nagdadala niyan, eh.
Naglakad na kami palabas ng caf at pumunta na sa room namin.
**
2:37 am
*tok!
*tok!
Unti-unting nagising ang ulirat ko nang marinig ko ang mga tunog na yun.
Ano yun?
*tok!
*tok!
Nagpatuloy ang ingay na naging dahilan ng pagdilat ng mga mata ko.
"Ano ba naman yan... disturbo...", sabi ko sa sarili ko habang inaabot ang switch ng lampshade para i-on ito.
*tok!
*tok!
Lumingon ako sa pinto pero nagulat ako nang mapansing hindi dun nanggagaling ang ingay.
*tok!
*tok!
Nagpatuloy ito at di ako pwedeng magkamali, sa bintana galing yung ingay.