CHAPTER TWO

4.3K 141 28
                                    

CHAPTER TWO

JAJA'S POV

Na eureureong eureureong eureureong dae~

Na eureureong eureureong eureureong dae~

Habang hinihintay namin ang pagpasok ng prof namin, paulit-ulit lang na nagpi-play ang kantang yan sa loob ng classroom namin. Galing ang nasabing music sa mga fangirl classmates ko na nasa likuran.

"Kyaaaaaahhhh!!! Ang gwapo-gwapo talaga nilaaaaa!!!"

"OMG! OMG! Ang cute-cute talaga ni Kyungieeee!!!"

"Waaaahhh! Kriseu! Waaahhh"

WOW AH? ANG INGAY-INGAY NILA.

If I'm not mistaken (charot. XD), isang boy group ang kinababaliwan nila at ang kumanta ng kantang kanina pa nagpi-play. E-EX... EXO ba yun? Balita ko sikat talaga ang grupong yan ngayon. Halata naman. Ang daming babae at mga baklitang nalalaglag ang bra at panty marinig lang ang pangalan ng grupo nila.

Pero ewan. Hindi ko pa sila nakikita. Hindi ko rin sila kilala. Hindi talaga ako mahilig sa mga trendy music and artists, eh. Ako yung klase ng tao na na-stuck ang music taste sa panahon pa ng The Carpenters, Michael Learns to Rock, Guns n' Roses at iba pang bandang sikat noong 80's. Haha. Weird ba ako? Bahala kayo sa buhay niyo. XD WALANG BASAGAN NG TRIP MGA PRE! XD

"Hwaaaaaahhhhh!! Suho!!! Suhoooo!!!"

"Ang mga ovaries kooo!!! Laglag na lahaaaattt!! Kyaaahhh!!"

"Waaahh! Ang gwapo-gwapo ni Sehuuuunnnn!!!"

Pisti. Ang ingay-ingay. Wala atang planong tumahimik tong mga to, eh. Nakaka--

W-WAIT, WAIT, WAIT.

Napatigil ako. Tama ba yung narinig ko?

S-S-SEHUN? Narinig kong binanggit niya ang pangalang Sehun!

Nilingon ko sila sa likuran. Shets. Am I hearing things?

Sigurado akong si Mikka ang huling nagsalita. Kaya siya ang tiningnan ko. "Mikka?"

In-off nila yung video na pinapanood nila at ibinaling ang atensyon sa akin. Wow, ah. Si Mikka lang tinawag ko. Echuseras. XD

"Yes, Ja?"

I don't know how to ask her. "Uhm... ano nga yung huling sinabi mo? Hehe..." Shets. Ano ba tong ginagawa ko. Si Sehun lang ba ang nag-iisang Sehun dito sa mundo? Kaloka ka, Jaja. Jusko naman. Masyado akong assuming. Alangan namang naging artista na si Sese? Kaloka. Pero wala, eh. Natanong ko na siya.

Nabigla naman siya sa tanong ko sa kanya. "Uhm... alin dun? Hehe. Madami akong sinabi, Ja."

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon