CHAPTER FOURTEEN

2.8K 90 4
                                    

CHAPTER FOURTEEN
JAJA'S POV

1 week later...

"Hello po, Manager oppa!", sabi ko kaagad matapos kong sagutin ang tawag ng Manager ng EXO.

Kasalukuyan akong naliligo pero lumabas lang talaga ako ng banyo para sagutin ang tawag na to.

Alas sais na ng gabi at sobrang laki ng pasasalamat ko dahil maaga lang natapos ang lahat ng activities ng EXO para sa araw na to.

May gagawin kasing exclusive party ang agency nila ngayon. Parang thanksgiving party, kumbaga. Top agency kasi sila.

At kahit P.A a.k.a alalay nila ako, labas na ako dun. Ang responsibilidad ko lang ay sa tuwing may official activity sila.

Kaya nga sobrang gulat ko nang malamang si manager pala itong dahilan kung bakit nagri-ring ang cellphone ko.

"Jaja? Asan ka ngayon?", tanong niya na nagpakunot sa noo ko.

Luh? Mauudlot ba ang maagang beauty rest ko ngayon?

Nanginig ako nang onti sa ginaw dahil malakas yung airconditioner at dahil wala akong damit na suot.

Remember, nagmadali akong lumabas ng banyo kaya hindi ko na nahablot yung bathrobe ko. T.T

Okay lang din naman kasi wala namang ibang tao dito sa unit. Dalawang araw na rin kasi ang nakalilipas mula nang umalis sina SJ at ang kapatid kong si Grey.

"Po? Nasa sa unit ko po. Bakit nga po pala?" Nanginginig na talaga ako kaya naman hinila ko na yung kumot ko at pinulupot sa katawan ko.

"Ano?! Anong ginagawa mo dyan? Dapat andito ka na!"

Huh?

"Po? Akala ko po tapos na ang trabaho ko, manager. Meron pa po ba akong kailangang gawin?"

Napakamot ako sa ulo ko.

Shetnesses. Udlot nga ang maagang beauty rest ng lola niyo. T.T

"Hindi trabaho ang ibig kong sabihin, Jaja. You should be here at the party!"

Huuuh? Ako? Kasali sa party?

"Po? A-ako ho?"

"You're a part of the agency. What are you thinking? P.A ka ng pinakasikat na artists ng agency tapos di ka pupunta? Oh, c'mon!"

Para naman akong nataranta dahil sa mga pinagtatatalak ni Manager. Sorry naman, hindi ako na-orient. XD

"Sorry po, manager. Di ko po kasi alam na kasali ako sa party. Sorry po.", sabi ko sabay kamot sa ulo ulit.

"It's okay. Pero kailangan mo talagang humabol. Fifteen minutes nalang officially mag-sstart na ang party. Kanina pa andito ang EXO."

At mas nataranta ang lola niyo nang marinig ko yung "fifteen minutes" na sabi ni manager.

Luh? Fifteen minutes talaga? Makakahabol pa ba ako?

"Fifteen minutes?!"

"Oo. Fifteen minutes, Jaja. Wear something casual. Street style. I'll end the call now. May aasikasuhin pa ako. Humabol ka."

After that, ang walang kamatayan nang pag-toot ng cellphone ko ang narinig ko.

Jaja, fifteen minutes lang daw. Gumora ka na!

Hinagis ko yung kumot ko at patakbong bumalik sa banyo at naligo ulit nang mabilis.

Oh noes! Ba't ngayon lang tumawag si Manager?!

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon