CHAPTER THIRTY [THE FINAL CHAPTER]

2.6K 82 11
                                    

CHAPTER THIRTY

[THE FINAL CHAPTER]

JAJA'S POV

The days passed smoothly.

Nalaman kong kaya pala nagkaroon ng time si Sese na puntahan ako dito eh kasi humingi sila ng bakasyon sa manager at agency nila.

Hindi ko alam. I've never been this happy before.

I've never been this happy before. Really. Haaaayy. Feeling ko segu-segundo nakalutang ako sa ulap.

Feeling ko din sobrang nagiging corny ako these days.

Nakahiga kami sa damuhan sa likod-bahay nila habang nakatitig sa mga bituin sa langit. Kita niyo na? Marunong na akong mag-stargazing, corny. Haha.

Naramdaman ko na may humawak bigla sa kanang kamay ko.

"Ano ba yan, nanliligaw ka pa nga, pero sobrang atat mo nang chumansing sa akin.", pabirong sabi ko. Pero syempre, di ko binawi ang kamay ko. Gusto ko kaya. Ahihihi. Kita niyo na? Marunong na din akong lumandi. XD

Dalawang linggo na din kaming ganito, nagliligawan at naglalandian. Haha. Pero syempre, joke lang yung huli. At syempre, tama yung una. Opo mga ripapepz. Nanliligaw na ho si Oh Sehun sa lola niyo. XD Ano ba yaan, kinikilig ako. XD

Sa dalawang linggong lumipas, marami akong nadiskubreng bagay tungkol sa lalaking katabi ko ngayon. Ang sweet niya pala, napaka-thoughtful, napaka-caring, at higit sa lahat, napakamapagmahal. Ayeeeii. Heto na naman ang feels kooo. XD

"Sana ganto na tayo habambuhay, Ja.", natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Sana forever tayong ganto. Tayong dalawa lang, walang epal, tapos nakatitig lang sa mga bituin sa langit.", dagdag niya.

Jusko, enebeyen. Kinikilig na naman po akey. Ano ba, Sese! Haha.

Pero syempre, itinago ko lang ang kilig ko. Hindi lang ako umimik. Dalagang Pilipina akey. XD

Naramdaman ko naman ang pagpisil niya sa kamay ko. "Koyang, tortured na ho yang kamay ko.", biro ko habang tumatawa nang mahina. Tumawa rin naman siya.

Ano ba yan, kahit ganto lang kasimpleng mga moments at gestures eh ikasasabog ko na sa kilig at tuwa.

Sa totoo lang, gustung-gusto ko na talagang sagutin si Sehun, pero dahil Dalagang Pilipina nga ang lola niyo, eh pinipigilan ko muna ang naglalagablab at nag-uumapaw na feels na itey. Haha. XD

Di nga, naghahanap lang talaga ako ng magandang timing. Yung may magandang bwelo, kumbaga. Charot. XD

Naalala kong kailangan kong umuwi ng maaga dahil maaga ang first subject ko bukas. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang alas nwebe na pala ng gabi.

Dahan-dahan akong bumangon. "Sese, gabi na. Kailangan ko nang umuwi.", labag sa kalooban kong sabi habang nakabusangot.

Dahan-dahan din naman siyang bumangon.

Ngumiti siya. Ano ba? Di ba talaga siya titigil sa pagpapakilig sa lola niyo?!

"Tara."

Malapit na kami sa bahay nun nang bigla siyang may sabihin sa akin. "Ja?"

"Mmm?"

Malamig ang simoy ng hangin pero di ko alintana kasi nakaakbay siya sa akin at nakahawak naman ako sa beywang niya. (A/N: Taglandi na, pasensya. Haha.)

"Kahit anong mangyari, wag mo kong kakalimutan, ah."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ha? Anudaw?

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon