CHAPTER EIGHT
JAJA'S POVPara akong lumulutang sa Cloud Nine na parang matatae na maiihi na mapapraning na maloloka na mashushuang na mababaliw habang hawak-hawak ni Sehun ang kamay ko.
Natatakot akong gumalaw o kumurap o umimik dahil baka bitawan niya ito't mawala yung nakapakagandang feeling na nararamdaman ko ngayon.
Ahy anak ng piping nakakapagsalita! Ano ba naman tong mga pinag-iisip ko?!
Dalawampung minuto na rin kaming nanunuod ng pelikula kaya naman nagsisimula na silang malunod sa pinapanuod.
"Shoot! Walangyang mga pulis yan!", bulalas ni Tao na napaka-over ng mga reaction. Akala mo di siya marunong mag-wushu dahil sa mga pinagsasasabi niya.
Nasa part na kami ng pelikula kung saan napagkamalan na ang bidang lalaki na siya ang kriminal. (Sa makaka-relate lang.)
"Kawawa naman yung bata!", wika ni Kris.
"Naku, Kris at Tao. Napanood ko na tong movie na to. At sasabihin ko sa inyo, wala pa ang mga pangyayaring yan sa mga mangyayari maya-maya lang. Ihanda niyo na yang mga panyo niyo.", sabad ni Luhan na halata rin naman sa boses na kinakain na rin siya ng emosyon niya at naiiyak na rin.
Narinig kong napabuntong-hininga si Sehun sa tabi ko kaya naman napalingon ako sa kanya.
Wow. Nadadala rin pala to sa mga pelikula.
Pero halos lumundag ako dahil bigla rin siyang lumingon at nahuli akong nakatingin sa kanya!
"Anong tinitingin-tingin mo?", bulong niya.
Nainis naman ako ng bonggang-bongga kaya naman may resbak ako. "Bakit mo hawak-hawak ang kamay ko?" Luh. Nakakapraning naman yung resbak ko. Sorry naman, nainis lang talaga ako, eh.
Napatingin naman siya sa magkahawak naming kamay at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya.
Eh? Ano to? Gulatan?
Mabilis pa sa alas kwatro niyang binitawan ang kamay ko at umusog nang konti para lumayo sa akin.
Wow? Gulatan ang show? Ano yun? Di niya alam na hinahawakan niya ang kamay ng lola niyo? Wow. Gago! Chumansing siya sa kamay ko tapos magugulat siya? Wow. Epic!
Nainis ako. Gusto ko siyang sabunutan, gusto ko siyang i-wrestling, gusto ko siyang i-boxing, gusto ko siyang i-wushu. Tao, paturo naman. T.T
Napabuntong-hininga nalang ako.
Wow, Sehun, ah. Binibigyan mo talaga ako ng sakit sa ulo at puso. Psh. -_-
Pwede mo naman akong direktahin, eh. Sabihin mo lang na gusto mo na akong umalis at wag nang magpakita sayo kahit kailan, gagawin ko.
Itinuon ko nalang ang atensyon sa pelikula kaysa ang magpaka-stress sa kanya.
"Ja? Gusto mo?", bigla namang may inabot na chichiria si Chanyeol mula sa likod kaya napalingon ako sa kanya.
Nawala bigla yung inis ko nang makita ko ang pagmumukha ni Yeol. Napatawa ako nang wala sa oras dahil jusmeyo marimar lang talaga! Dinaig niya pa ang mala-siopao na pisngi ni Xiumin dahil sa dami ng nginunguya niyang chichiria! May mga nalalaglag na nga sa gilid ng bibig niya. Watdahek!
Shets! Hindi ko alam na may patay-gutom palang member ang EXO. XD
"Hehe. Wag na Yeol, kasi parang kulang pa yan sayo, eh. Hehe.", sabi ko nalang na natatawa pa.
Bigla naman akong nakaramdam ng uhaw kaya minabuti ko munang pumunta sa kusina at uminom ng tubig. MALAMANG SA MALAMANG. XD Alangan namang pagkain yung kukunin ko kasi nauuhaw ako. XD
Kumuha ako ng baso at binuksan yung ref tsaka dahan-dahang nagsalin ng malamig na tubig mula sa pitsel.
Pagkatapos ay sabik kong sinimulan ang pagtungga sa tubig. Naks! Sabik pa talaga eh noh.
"Hoy."
Naibuga ko bigla yung iniinom kong tubig dahil nagulat ako sa biglang nagsalita. Shit. Sayang yung tubig.
Lumingon ako at mabuti na lamang ay mahigpit ang hawak ko sa baso kaya hindi ko ito nabitawan nang makita ang nakabusangot na pagmumukha ni Sehun.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Ano na naman ang kailangan ng lalaking to at bumubusangot na naman sa harap ko?
"Wag kang assuming.", bigla niyang sabi na nagpapanting sa dalawang tenga ko nang bonggang-bonnga.
Aba'y akalain niyo yun? Tinawag niyang assuming ang lola niyo?
"Anong pinagsasasabi mo?", galit na tanong ko pero sinigurado kong mahina lang ang boses ko para hindi marinig nung mga bakla sa sala.
"Hindi ko alam kung bakit nakahawak ako sa kamay mo kanina. Baka may kung ano kang isipin.", sabi niya.
"Hoy. In the first place, hindi ako assuming. Atsaka in the second place, chumansing ka sa akin kaya dapat ako pa ang magalit sayo!", sabi ko at pabagsak na nilagay sa mesa yung baso. Nagulat naman ako sa ginawa ko.
"Ganun? Ang feeling mo naman. Chansing pa talaga yung term na ginamit mo.", sabi lang niya.
Sumusobra na talaga siya. As in. Malapit nang pumutok ang butsi ko.
"Ikaw na. Ikaw na.", paulit-ulit na sabi ko.
Siya na talaga ang maangas.
"Whatever.", sabi niya tsaka tumalikod para umalis na.
Pero dahil sa sobra-sobrang inis na naramdaman ko, mabilis na umangat yung kamay kong may hawak na baso at mabilis pa sa alas kwatro kong isinaboy ito sa likod niya.
OMG. OMFG.
Kaya nga ayaw na ayaw kong naiinis, eh! Kasi nagiging brutal ako!
Humarap ulit siya sa akin. At natakot ako nang makitang sobrang galit at inis siya!
Bago pa siya may gawing di mabuti sa akin, mabilis akong tumakbo palabas ng kusina at pabalik sa sala kung saan nanonood yung mga baklita at mabilis na pumwesto sa natutulog na pala na si Lay.
Sumuksok ako sa gilid niya nang makita sa likod si Sehun na nanggagalaiti sa galit.
Hindi naman nila kami napansin dahil sobrang lunod na sila sa pinapanood.
Naku, Jaja. Ano ba naman kasi yung ginawa mo!
**
Three days later...
Linggo. Sunday. XD
Day off ko. Day off.
Kaya kung hindi lang dahil sa katok na nakakawindang sa pinto eh hindi ako magigising at gigising. Kung hindi lang dahil sa katok na nakakarak sa pinto ay hindi ko imumulat ang mga mata ko at hindi ako babangon.
Sino naman kaya to? Imposible namang ang EXO to eh hindi naman sila sa dorm nila natulog kagabi, eh.
Nagpatuloy yung pagkatok sa pinto.
"Hintay.", inaantok na sabi ko.
Padabog ko namang binuksan ito.
"Hi, Ja."
Kinusot ko ang mga mata ko.
Shit. Nananaginip pa siguro ako.
Ngumiti siya.
Kinurot ko ang braso ko pero shet lang, hindi to panaginip kasi ramdam ko yung kirot at sakit ng pagkurot ko!
"S-SJ?!
-DoChaRis