CHAPTER FIVE

3.5K 101 13
                                    

CHAPTER FIVE

JAJA'S POV

Tinutulungan ako ni SJ sa pag-iimpake ng mga damit ko nang tumunog yung doorbell.

"Yung pinadeliver na natin siguro yun, Ja.", sabi niya sabay tayo at labas ng kwarto.

Shets. Sana nga. Kasi gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na talaga ako. T.T

Walang pang dalawang minuto eh nakabalik na si SJ sa kwarto dala ang in-order naming pagkain. Sa wakas, makakalantak na din ako.

"Hoy, alagaan mong sarili mo dun, ah. Huwag kang masyadong magpapapagod.", sabi sa akin ni SJ habang kumakain na kami.

Ngumiti ako. "Sama ka nalang dun, SJ."

"Ano ka, sinuswerte? Ayoko yatang iwan ang mga chikababes ko noh!" Binatukan ko siya. "Aray! Joke lang yun, Ja!"

"Nakakabwesit yung biro mo, dude. Hindi nakakatawa!"

Hahayyysss. Makakasurvive kaya ako dun na walang SJ sa tabi ko at may Sehun pang parating nasa harap ko?

Iniba ko yung usapan. "SJ, bukas na yung flight ko. Pwede pa ba akong magback-out?"

"Huwag, Ja. Panindigan mo yan. Pero pag inabuso ka nila dun, just call me and I'll be there." Sabay kaming napatawa dahil sa sinabi niya. "Pero seryoso, Ja. Mag-ingat ka dun."

Ngumiti nalang ako at ipinagpatuloy ang paglantak sa pagkain ko.

Hindi ko alam kung kaya ko, bahala na.

***

Dahil may kasama kaming celebrity, expected na lahat halos ng guard ang bumulaga sa amin pagbaba namin ng eroplano.

Oo, nakarating na kami sa Maynila.

Ang nakakawarak, magkatabi kami ni Sehun sa eroplano. Wala lang. Natulog nalang ako all throughout the trip. Siya naman, nakikinig lang ng music. Wala talagang planong kausapin ako. Psh. Bahala. Ganun din naman ako, quits lang kami.

Nagulat ako dahil ang daming faaaaaaannnnnnnssss! OMG! NAKAKALULA ANG DAMI NG MGA FANS NA NAGHIHINTAY KAY SEHUN. OMO. O.O

Ang ingay-ingay. Isang pangalan lang ang sinisigaw nila. SEHUN.

Alam ko naman na sikat talaga ang EXO pero hindi ko inakalang ganito kalala. Gurabe. Naging dagat ng mga fans na may dalang malalaking cameras at posters ang NAIA. O.O

Ang sikip-sikip lang habang binabagtas namin ang daan papunta sa sasakyan namin papunta sa dorm nila Sehun.

Hirap na hirap kami dahil sa sobrang dami ng tao. Pati si tita Sarah, halos himatayin na. Mas lalo na ako na hindi ako sanay sa mga ganto. Huhu, SJ. I need you now. T.T

Todo-effort talaga ang mga guards para protektahan si Sehun sa mga fans na handang pumatay para lang makalapit sa kanya.

Magkasama kami ni tita Sarah habang nauna naman si Sehun na kasama ang isa sa mga manager nila na sinundo pa talaga siya.

Jusko pooo. Ang dami-dami talagang tao. Hindi ako katangkaran kaya halos hindi na ako makahinga. Pramis. Konti nalang, magpa-pass out na ako.

Halos magkapalit na kami ng mukha nung mga security guards, ni tita Sarah at nung mga baliw na mga fans gaya ni author dahil sa siksikan. Shets. Hindi ako makakapayag na mapalitan ng chararat na mga pagmumukha ang beauty ng lola niyo. XD

Nagsu-surfing sa beach ng Subic, yan yung feeling ko ngayon. T.T

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko naisambit ang salitang 'success'.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon