CHAPTER SIXTEEN
JAJA'S POV"Tell me, did you really treasure me back then, ten years ago, as your bestfriend, Jaja?"
I was taken aback by what Sehun said.
Mahigpit pa rin niyang hinahawakan ang braso ko habang hindi kami gumagalaw.
Sobrang tahimik ng paligid at sobrang lapit lang namin sa isa't isa that's why we can hear each other's breath.
Mabibigat na mga paghinga.
What now? Bakit niya ako sinundan at tinanong sa akin ang bagay na yun?
"W-what?", I frustratingly asked him while trying to get away from his tight grip on my arm.
Medyo nasasaktan na ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
"Narinig mo ang tanong ko, alam ko.", he said.
I swung my arm heavily kaya naman agad niya itong nabitawan. Naramdaman ko ulit ang pagdaloy ng dugo na kanina eh hindi makadaloy dahil sa mahigpit na paghawak niya.
"You are the one who left me ten years ago, Sehun. Ikaw ang nang-iwan." I don't know but I felt relief after saying those words.
It was the words I wanna say to him since he left. Yun yung mga salitang gustung-gusto ko nang sabihin sa kanya.
And now I said it.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko for blurting out the words my heart really wanted to blurt out.
"But you never cared.", sagot naman niya kaya naman mapakla akong tumawa nang malakas.
Yung tawang pwede ka nang ipa-ambush sa sobrang plastik. Yung tawang malakas na may halong pag-iyak.
"I didn't care? Me?" Tawa ulit sabay turo sa sarili. "Saan mo nakuha yan, dude? I didn't care, yes, alright, alright."
I didn't care? The fuck.
"Did you?"
Napatigil naman ako sa napaka-epic na plastik na pagtawa na yun dahil sa tanong niya.
"Ano sa tingin mo, Sehun?" A healthy flush of tears gushed out of my eyes again. Piste. Di ko napigilan.
"You didn't. Di ba wala ka namang pakialam nung umalis ako noon, di ba? You never cared about me leaving our place. So, I guess, you never really cared about our friendship back then."
Napafacepalm ako dahil sa sinabi niya.
Ano bang pinagsasasabi ng lalaking to?
"Ang dami mong sinabi, wala namang laman. Walang substance. Puro nonsense, Sehun. Siguro nalasing ka lang nung ininom niyo ng mga hyung mo dun sa party.", sabi ko naman.
"Totoo naman lahat ng sinabi ko, di ba?"
"Who the hell told you those nonsense? Sinong gagong tao ang nagsabing wala akong pakialam nung umalis ka, Sehun?!", I yelled at him. I guess hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko.
"Don't deny it. It's too late."
Mabilis kong pinunasan lahat ng luha ko at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.
I stopped when I was only a matter of a few inches away from him.
Hindi naman siya lumayo. Hinayaan lang niya akong ilapit ang sarili sa kanya.
I gathered all the strength left on my system and closed my eyes.
Then I blurted out. "Alam mo bang sampung taon kong hinintay ang pagbabalik mo, Sese?"