CHAPTER TWENTY-FIVE

2.9K 115 38
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE
JAJA'S POV

Ha? Sasama siya sa akin?!

Pumintig nang malakas yung dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

Dafaq! Eh kanina lang nag-iinarte pa ako tapos ano tong pintig-pintig na to ang nararamdaman ko?!

Nakatitig lang ako sa kanya dahil sa gulat. Panay lang ang tingin niya sa relo niya na tila nagmamadali talaga. Ewan ko, kanina lang ako yung sobrang nagmamadali tapos... tapos ewan!

Mas lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mapalingon siya sa akin at mahuli akong nakatitig sa kanya.

Dafaq, Jaja! Ngayon ka pa kikiligin eh may problema ka pang dapat asikasuhin!

I changed the direction of my head and cleared my throat.

Ano ba yan! Ba't ba kasi bigla-bigla nalang sumunod ang lokong to?!

"Manong, pakibilisan pa po.", sabi  ko nalang sa driver para naman may masabi lang ako. Di ako mapakali, eh.

Ano ba yan, Jaja! Si Kris ang isipin mo! Si Kris! Mamaya na yang kalandian mo!

Kumalma din naman ako at feel ko na naman ang problemang kinakaharap ko ngayon.

Makalipas ang ilang minuto, nakikita ko na ang labas ng trial court at kitang-kita ko kung gaano kadaming tao ang nag-aabang sa labas. Mga fans, media, at may mga echusero lang talagang nagbebenta ng kung anu-ano. Nagti-take advantage sa dami ng taong andoon.

Sikreto kong nilingon si Sehun at nakita kong isinusuot na niya ulit ang maskara at cap niya para di siya agad makilala.

"Ikaw na magbayad.", masungit na sabi ko sabay baba.

Patakbo kong tinungo ang harap ng trial court at natakot agad ako sa sobrang daming tao sa harap ko.

Shet! How am I supposed to go inside the building eh ang daming tao at isa pa, hindi pinapapasok ng mga guwardiya?

Napahilot ako sa sentido ko. Kriiiisss! Nakakainis ka! Uggghh!

Ang dami-dami ko nang naiisip. Maliit naman ako kaya pwede naman siguro akong makipagsiksikan sa mga taong to para marating ko yung harapan ng building! Pag nakarating na ako sa harap mamomroblema kung paano ko malulusutan ang mga lecheng guwardiyang yan!

"Oo, Ja! Tama yang naiisip mo!", sabi ko sa sarili ko. Hahakbang na sana ako para simulan ang pakikipagsapalaran sa dami ng tao nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako paatras. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko nang maisip kung sino ang pwedeng humawak dito.

Lumingon ako at hindi ako nagkamali.

Parang sasabog ang puso ko sa pagkakalapat ng mga balat namin. Gusto kong mainis sa kanya kasi nawawala ako sa konsentrasyon! (AYEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEIIIII. DAFAQ KINIKILIG ANG AUTHOR PASENSYA. HAHA)

Hinila niya ulit ako palapit sa kanya at nabigla ako nang ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang paghinga niya sa tenga at malapit sa leeg ko. (Dafaq ulit. I am so dead sa kilig! HAHAHA. Pasensya, epal ako.) Shet, Sehun. Ano ba naman tooo. T.T

"Uuna ako sayo sa pakikipagsiksikan. Stay right behind me. Hahawakan ko lang ang kamay mo para di tayo magkahiwalay."

Hahawakan ko lang ang kamay mo para di tayo magkahiwalay. Muntik akong mahimatay dahil sa sinabi niyang yun. Dafaq. Ano ba yan, Jaja! Tumigil ka! Concentrate!

I motioned my face towards him at nanlaki ang mga mata ko nang makitang sobrang lapit lang ng mukha namin. Gulp.

"Kahit anong mangyari, huwag mong bibitawan ang kamay ko, Jaja."

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon