CHAPTER TWENTY-EIGHT

2.9K 88 10
                                    

CHAPTER EIGHT
JAJA'S POV

"Jaja, gising na. Gising na, ano ba!", sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Malapad ang ngiti niya kahit halatang kakagising lang din niya.

Binabangungot na ako! Di na ako magising!

"Jaaaa, gising na sabi, eh!" Kinurot ko ng ubod-lakas ang pisngi ko at napahiyaw ako dahil sa sobrang sakit!

Pucha! Masakit?! Ibig sabihin hindi ako nananaginip?!

"Aaahyy... ano ba yan. Bakit mo kinurot ang pisngi mo? Ayan tuloy ampula na." Nabigla naman ako ng bigla niya akong lapitan at hawakan ang mahapdi kong pisngi.

Hindi ba talaga ako nananaginip?

"Juskopo, is this real?", mahinang sambit ko.

"Hindi ka nananaginip, this is for real. Ako, si Oh Sehun eh talagang nakatayo sa harap mo ngayon at hawak-hawak ang pisngi mo.", sabi niya sabay ngiti ng ubod-tamis na naging dahilan ng panghihina ng mga tuhod ko.

Naramdaman ko bigla ang pagbigat ng ulo at katawan ko kasabay ang dahan-dahang pag-ikot ng paningin ko.

The next thing I knew, it all went black.

**

I slowly opened my eyes when my consciousness came back to me.

"Anak, gising ka na!" Nabigla naman ako nang marinig ko ang natatarantang boses ni mama na parang naeewan lang.

Ey? Anyare?

Bakit ako nakahiga sa sofa? Bakit parang natataranta si mama?

Unti-unti akong bumangon at muling bumalik sa utak ko ang nangyari kanina.

Dafaq! Si Sehun!

Iginiya ko ang paningin sa paligid at napamura nang malutong nang makita ang magandang tindig ni Sehun sa may pintuan at nakatingin sa labas.

Shit. Everything is real. Nilipad nga ng hangin ang lalaking to dito sa amin.

Nagkatinginan kami ni mama.

"Okay ka lang ba, anak?", tanong ni mama sa akin habang hawak-hawak ang pisngi ko.

Tumango ako. "Kakausapin ko lang ho siya.", sabi ko.

Tumango din naman si mama at tumayo na para dumiretso sa kwarto niya.

Ako naman, tumayo na rin.

"Hoy.", I said while making my way towards the guy standing on my doorway.

Mabilis naman siyang lumingon sa akin at nanlaki ang mata nang makita ako.

Lumapit siya bigla sa akin at bigla akong niyakap. "Okay ka na? Ba't ka hinimatay kanina, Ja? Di ka ba kumakain ng maayos dito? May sakit ka--"

"Tumigil ka nga.", sabi ko sabay tulak sa kanya.

Ano bang kailangan niya sa akin?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, juskopo.

Dalawang buwan, dalawang buwan rin akong nangulila sa mukhang to.

Pero tiniis ko yun, para sa ikabubuti naming dalawa. At ngayon, bigla-bigla siyang magpapakita sa akin para sirain na naman ang pagmu-move on ko?

"Galit ka pa nga.", sabi niya.

Hindi naman ako galit sayo, namumuhi lang.

"Ano bang ginagawa mo dito?", mataray na tanong ko sa kanya.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon