CHAPTER SIX
SEHUN'S POVMalulutong ang mga tawanan nila habang kausap nila si Jaja sa sala.
Habang ako, nakamukmok sa kwarto at nagpapanggap na pagod para lang makaiwas sa kanya.
Mula dito sa kwarto, dinig ko ang mga usapan nila at alam kong nagugustuhan nila si Jaja.
Psh. Ganun din ang ginawa niya sa akin nun. Kinaibigan tapos kaplastikan lang pala lahat. At the end of the day, pakitang tao lang pala lahat. -.-
Lumipas pa ang dalawang oras and mom is supposed to be here. Dapat kanina pa siya andito para kunin na tong Jaja na to dito sa dorm.
Lumabas naman ako nang biglang tumahimik yung sala.
Tulog na pala yung iba. Habang sina Luhan at Xiumin hyung naman ay nasa gilid ng sala at nakikinig ng music. Si Tao, nakanganga at tulog na sa may couch. Si KyungSoo hyung at Kai naman, nasa kusina, kumakain ng cereals. Si Suho hyung, nakikipagkwentuhan pa sa sofa kay-- Psssh. Kay Jaja. -.- Yung iba di ko na makita, baka pumasok na sa mga kwarto nila.
"Oy, Sehun! Gising ka pa pala!", sabi ni Suho hyung at pinalapit ako sa kanila. Sumunod nalang ako.
Nakita kong naging uncomfortable si Jaja sa paglapit ko sa kanila.
"Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?", tanong ni Suho hyung.
Tumango lang ako.
"Anong meron? Ba't parang di kayo nag-uusap? Akala ko ba bestfriend kayo nun?"
Kailan pa naging echusero itong si Suho hyung?
Napakamot sa ulo si Jaja, kita ko.
"Maraming pwedeng magbago sa sampung taon, hyung. Isa pa, mga bata pa kami nun.", sagot ko nalang. "Di ba, Ja?" Then I stared at her.
I saw her blinked as many times that I lost count. Tapos parang di siya makapagsalita. Hindi siya makasagot.
Alam kong may naaamoy na si Suho hyung kaya naman tinapik na niya ang balikat ko at ngumiti kay Jaja at tumayo para pumasok na sa kwarto at matulog.
Pati na rin ang ibang hyung, natulog na. Living us two there. Ang awkward.
Asan na ba kasi si mama?
"Bakit ang sama-sama ng ihip ng hangin mo sa akin?" Nabigla ako when all of a sudden, itinanong niya yun sa akin.
Nilingon ko siya pero her face was set straight.
Bakit hindi niya itanong yan sa sarili niya?
Sa halip na sagutin ang tanong niya, iniba ko ang usapan. "Ba't ang tagal ni mama. Ang sarap nang matulog." As if hindi ko siya naririnig.
"Kung alam ko lang kung saan ang bahay ng mama mo, kanina pa ako umalis."
Nilingon ko ulit siya.
Hindi nalang ako nagsalita.
*riiiiingg!! riiiiiiiiinng!!!
Bigla namang nag-ring yung cellphone ko na bumasag sa katahimikang namagitan muli sa amin.
Si mama pala.
"Anak? Kumusta si Jaja dyan?"
Psh. Nagkatinginan naman kami. "She's fine."
"Gabi na, Sehun. And it would be impossible na masundo ko pa siya. Kaya naman dyan ko muna siya patutulugin."
WHAAAAT?! Napatayo pa ako dahil sa gulat at napa-facepalm. No! "Ano ma?"