CHAPTER THIRTEEN
JAJA'S POVBuhat-buhat ni Sehun si Grey habang naglalakad kaming dalawa pauwi ng condo building namin.
Dahil sa layo at tagal ng paglalakad ni Grey, mabilis na nakatulog ito nang buhatin siya ni Sehun. Mahimbing siyang natutulog habang nakasandal ang ulo niya sa kanang balikat ni Sehun at ang kamay naman niya'y nasa kabilang balikat nito.
Tahimik lang kaming dalawa ni Sehun throughout our walk pabalik sa building. Walang may balak magsalita. Sabagay, hindi naman talaga kami nag-uusap, right? Tsaka, mas lalo lang naging awkward yung hangin sa pagitan naming dalawa dahil nagtalo pa talaga kami kanina habang hinahanap namin si Grey. Not to mention pinagsasasapak ko siya kanina nang ubod-lakas. Tapos, after that, bigla-bigla niya lang akong niyakap.
Nagulat talaga ako nun. Hindi ko alam ang ire-react kaya nagpumiglas ako. Pero dahil malakas siya, walang nagawa ang pagpupumiglas ko.
Tapos, ang pinaka-ipinagtataka ko pa, nang makita na namin si Grey, bigla nalang niya kaming niyakap dalawa. And then, para akong nakuryente ng milyun-milyong boltahe nang maramdaman ko ang labi niyang dumampi bigla sa noo ko.
Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero nawala bigla ang kaba at takot ko sa pagkawala ni Grey dahil sa halik na yun. Ewan ko nga ba sa sarili ko.
Sa sobrang bigla ko kanina, agad akong napatayo mula sa pagluhod at lumayo sa kanya sabay hila kay Grey.
Kitang-kita ko ring nagulat siya sa sariling ginawa niya kaya napahawak siya sa sentido niya.
"That was nothing.", yun yung sabi niya kanina.
Nakaramdam naman ako ng bigat ng loob at panghihinayang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Syet, Jaja. Huwag ka na kasing umasa.
These days, may napapansin talaga ako sa sarili ko, eh.
Before, I want to see Sehun again dahil gusto kong makitang muli ang bestfriend ko noon; gusto kong makitang muli ang kasangga ko noong bata pa ako; gusto kong makitang muli ang batang parating nagtatanggol sa akin nun. Pero syempre, lahat ng yun ako lang pala yung nag-akala. Akala ko totoo yung pinapakita niya sa akin. Pero gaya nga ng sabi niya, isa lang akong nakakairitang bata nun na parating nakabuntot sa kanya.
At ngayon, na nagkita na kami, iba na yung gusto kong mangyari. Pero hindi ko lang talaga alam kung ano exactly. Ewan ko nga ba sa sarili ko. Kahit ako mismo, naweweirduhan.
Parang higit pa sa pagiging mag-bestfriend ang gusto kong mangyari sa aming dalawa. Ewan ko, hindi ko alam. May kakaiba na akong nararamdaman sa kanya.
Ewan ko kung bakit. Eh puro pambubwesit lang naman ang ginagawa niya sa akin. Puro pang-aalila at pang-aaway ang binabato sa akin.
Lumiko kami at nakita na namin ang building sa di-kalayuan.
Naglakad pa kami ng ilang minuto at nakita ko na sina SJ at ang EXO na nakaupo sa may labas ng building.
Problemadong-problemado ang mga mukha nila habang nakayuko ang ulo at nakapikit ang mga mata. Lalo na si SJ.
"Guys...", tawag ko sa kanila kaya sabay-sabay na napalingon ang mga ulo nila sa direksyon namin.
Nanlaki ang mga mata nila nang makitang karga-karga na ni Sehun ang kapatid ko at nagsipagtayuan na para tumakbo patungo sa amin at salubungin kami.
Ang ingay-ingay nila habang patakbong lumalapit sa amin kaya naman sinenyasan ko silang huwag mag-ingay dahil baka magising ang kapatid ko. Napagod pa naman si Grey.
"Ahy sorry... sorry...", sabi nila kinakalma ang mga sarili.
"Ja..." Biglang iniluwa mula sa likuran nila si SJ at mabilis na yumakap sa akin. "Sorry. Ang gago ko. Mabuti nalang walang nangyari kay Grey. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.", nanginginig na sabi niya habang mahigpit na yumayakap sa akin.