CHAPTER TWENTY
JAJA'S POV"Hoy, kanina ka pa tulala, ah? Kumain ka ba ng maayos ng almusal kanina? You look wasted.", sabi ni SJ matapos niyang ipitik ang daliri sa harap ng mukha ko.
Ahy. Hala. Masyadong mataas ang lipad ng utak ko ngayon.
Nakapila na kami ngayon sa registrar ng university para kunin ang printed COR (Certificate of Registration) naming dalawa. Ito ang last step ng enrolment process namin dito for old students.
"Napagod lang ako, SJ.", pagsisinungaling ko.
Pero ang totoo, nasa nangyari kaninang umaga yung utak ko. Ang dami-daming bagay ang pumasok sa utak ko dahil sa misteryosong lalaking nakabangga ko kanina.
The height, the mask, the cap, the physique, the poise...
He really looked familiar. He really looked like... like...
"Next, please!"
Naramdaman ko ang mahinang pagtulak sa akin ni SJ kasabay ang pagtawag ng attendant sa akin.
"Lutang ka na naman...", SJ whispered as I slid my brown envelope through the glass window para matingnan na ito ng attendant at makuha ko na ang COR ko.
Tiningnan ko nalang ng masama ang loko at mabilis na yumuko para pirmahan yung kung anu-anong papeles na ibinigay ng attendant sa akin.
No, Ja. Imposible yang iniisip mo. Ano namang gagawin niya rito? Imposibleng siya yun. Imposibleng-imposible talaga.
Naiinis ako sa sarili ko dahil patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng mga walang kakwenta-kwentang bagay kahit na may pinipirmahan akong mga papeles ngayon.
Nang matapos kami ni SJ, inaya niya na ako sa may coffee shoppe sa loob ng university para kumain at makapagpahinga.
Pumayag na ako kasi libre niya daw. Nasabi ko na bang adik ako sa libre? Ayun, nasabi ko na.
Habang kumakain kami, nagulat ako ng bigla na lang sinapo ni SJ ang noo ko. Muntik pa tuloy mahulog yung kinakain kong donut.
"Para saan yun?!", galit na tanong ko.
"Just checking. Akala ko kasi may lagnat ka. Panay kasing pag-i-space out mo ngayon, eh."
Tama naman siya. Panay nga space out ko ngayon.
"W-wala... napuyat lang talaga ako kagabi tapos ang aga pa nating umalis kanina.", sagot ko nalang.
Haaaaaayyyy. Nababaliw ka na siguro, Jaja.
Nagpatuloy kami sa paglantak at pag-uusap ni SJ. Kung anu-ano lang yung pinag-uusapan namin.
I was dunkin' my donuts (chosss! dunkin' my donuts XD) to my second cup of frappe when outside, a figure of a tall man wearing black hoodies, grey cap and... a mask caught my attention.
My heart went faster with its beating all of a sudden.
Oh my. He was the same guy I happened to encounter earlier.
If he was looking at me, I'm not really very sure. Pero nakatayo siya at nakaharap sa direksyon ko.
"Ahy sorry!" Nawaglit ang paningin ko sa lalaking naka-hoodie sa labas nang biglang gumalaw yung table namin na parang may bumangga o ano at may sumigaw pa nun.
Nasagi pala ng isang bading yung table namin ni SJ kaya gumalaw ito.
"Sorry talaga...", pagpapaumanhin niya ulit at tumango nalang kami ni SJ.