CHAPTER TWELVE

2.8K 105 4
                                        

CHAPTER TWELVE
JAJA'S POV

"Nawawala si Grey! Nawawala si Grey, Jaja!"

Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig dahil sa narinig ko mula kay SJ.

"What?!", rinig kong sigaw pareho ni Sehun at ni Kris.

"Anong sabi mo, SJ?" Magkahalong takot at kaba na ang nararamdaman ko.

Pawis na pawis si SJ habang natataranta sa harapan ko.

Nawawala ang kapatid ko?

"Ja... natutulog na siya, eh. Natutulog na siya sa kwarto. Kaya iniwan ko muna siya saglit para maligo pero pagbalik... pagbalik ko... pagbalik ko wala na siya!", natatarantang sabi niya at feeling ko lalabas na sa dibdib ko ang puso ko.

Nawawala si Grey!

Awtomatikong ibinagsak ko lahat ng gamit na bitbit-bitbit ko at mabilis pa sa alas kwatro akong humakbang at nagsimulang tumakbo.

"Jaja!" Hindi ko na alam kung sinu-sino yung mga tumatawag sa akin kasi gusto ko lang tumakbo. Natataranta na ako.

Nasaan si Grey?!

Diretso kong pinindot yung elevator para makababa at makalabas na pero nakapagmura ako nang hindi iyon bumukas! Shit!

Tatakbo na sana ako patungo sa hagdanan kaso may biglang humawak sa braso ko.

Galit akong napalingon sa kung sino man yun dahil sa pagpigil sa akin at mabilis ko siyang naitulak. Pero nanlaki ang mga mata ko nang malamang si Sehun ito.

"Tutulong kami sa paghahanap.", sabi niya habang sinusuot ang isang itim na mask.

Napalingon ako sa likuran niya at nakita ang iba pa na naglalagay na rin ng kani-kanilang mask.

Bigla namang lumabas si SJ mula sa likuran nila at natatarantang lumapit sa akin.

"Ja, sorry.",  maiyak-iyak na sabi niya habang yumuyuko sa harap ko.

Marahan ko siyang itinulak. "Hanapin muna natin siya. Bilisan niyo na.", kalmadong sabi ko kahit sobrang natatakot at kinakabahan na ako. Tatakbo na sana ako patungo sa hagdanan nang bumukas bigla yung elevator.

Shit! Mabuti naman.

Mabilis akong pumasok at sumunod naman sila. Naiihi na ako habang todo-kabog ang dibdib ko.

Nanlulumo ako sa tuwing maiisip na baka may kung anong masamang mangyari sa kapatid ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Pota! Ba't ang tagal tumigil ng elevator?!

Inip na inip na ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

Naramdaman ko nalang ang nanginginig na kamay ni SJ sa balikat ko. Alam kong kinakabahan siya para kay Grey. At mas lalo na ako.

"Shit! Ba't ang tagal nating makarating sa baba?!" Hindi ko na napigilan ang sarili at naibulyaw ko na iyon. Doble na yung takot na nararamdaman ko, eh.

Grey naman! Saan ka ba nagsusuot? Ba't umalis ka sa unit?!

"Ja, relax lang. Mahahanap din natin si Grey.", si KyungSoo ang nagsalita.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang sinabi niya. Kasi malabong-malabong kumalma ako sa sitwasyon ngayon.

"Relax, Ja. Relax." Si Kris naman yung nagsalita at naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

HE'S BACK (EXO'S SEHUN FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon